Dragon boat team inialay ang tagumpay sa bansa | Bandera

Dragon boat team inialay ang tagumpay sa bansa

Eric Dimzon - August 28, 2015 - 01:00 AM

NANALO ng apat na gintong medalya ang Cobra-PAL Elite Team ng Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) sa 12th IDBF World Championships sa Ontario, Canada noong isang linggo.

Dahil sa magandang ipinakita ng koponan ay  pasok ang Pilipinas sa 2016 World Cup.

Inamin naman ng coach ng koponan na si Rhowie Enriquez na ang tagumpay na kanilang nakamit sa Canada ay ibinabahagi at iniaalay nila sa bansa.

“Ang mga napanalunan naming gintong medalya ay hindi lang para sa amin. Para ‘yun sa bansa,” aniya.
“Lahat ng pinapaghirapan ng paddlers, opisyal at supporters natin, lahat ‘yun para sa bansa.”

Anim na events ang nilahukan ng koponan sa Canada at nanalo ng apat na ginto.

Bagaman hindi nakasali ang bansang China at India dahil sa problema sa visa ay umabot pa rin ng 17 bansa ang naglaban-laban sa 12th IDBF World Championships.

“Tayo rin ay nagkaproblema sa visa kaya di kumpleto ang naipadalang team ng Pilipinas,” ani Enriquez.

Dahil nga kulang ang koponan ay hindi inasahan ni Enriquez na makakasungkit ng apat na ginto ang koponan.

“Actually, ang target lang namin ay tatlong gintong medalya. Pero nalampasan pa natin ‘yun at naging apat. Kaya, masayang-masaya ang team,” sabi niya.

Tumulong naman sa biyahe ng PDBF ang Cobra Energy Drink at Philippine Airlines.

Sa kabilang dako, nalulungkot naman si Enriquez dahil patuloy na hindi sila kinikilala ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission.

“Malungkot kami dahil part naman kami ng International Dragon Boat Federation. In God’s time, we hope maging tama ang mali. We believe na makukuha rin ang dapat na para sa atleta,”  dagdag pa ni Enriquez.

Paghahandaan ngayon ng koponan ang  World Cup sa China sa 2016.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa nakaraang World Cup, ranked second tayo in the world. We hope to be first in next year’s edition,” aniya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending