Aklan nagpasiklab agad sa Batang Pinoy Visayas leg | Bandera

Aklan nagpasiklab agad sa Batang Pinoy Visayas leg

Mike Lee - August 25, 2015 - 01:00 AM

HUMAKOT ng limang gintong medalya ang mga manlalaro ng Aklan sa pagsisimula ng 2015 Batang Pinoy Visayas leg kahapon sa Romblon National High School stadium sa Romblon.

Si Jil Iron Tabuena ang nanalo sa delegasyon sa athletics habang sina Jenjuel de Leon, Lysia Marie Enero, Lucio Cuyong II at Kyla Soquilon ay nagwagi sa swimming events na nagpasigla sa unang araw ng kompetisyong inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) at may basbas ng Philippine Olympic Committee (POC).

Si Tabuena ay nagtala ng 12.14 metro sa boys’ shot put para manaig sa kababayang si Karl Adrian Revester na may 11.07m marka.

Sa kabilang banda, sina De Leon at Cuyong ay naging kampeon sa boys’ 400m freestyle (6:07.77) at breaststroke (40.25) habang nangibabaw sina Enero at Soquilon sa girls’ 200m backstroke (3:15.70) at 50m breaststroke (40.01).

Ang iba pang nanalo sa athletics ay sina Trexie dela Torre ng Bacolod sa girls’ long jump (4.44m), Marielyn Pantaliano sa girls’ 2000m walk (1:14:41.7) at Matt Atanas ng Iloilo sa boys’ high jump (1.60m).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending