Pulubi si Duterte kumpara kay Binay | Bandera

Pulubi si Duterte kumpara kay Binay

Ramon Tulfo - August 25, 2015 - 03:00 AM

MASYADONG binibigyang pansin ang maaaring pagtakbo nina Interior Secretary Mar Roxas at Sen. Grace Poe sa pagka-Pangulo sa darating ng eleksiyon laban kay Vice President Jojo Binay.

Maaga kasing ipinahayag ni Binay ang kanyang intensiyon na tumakbo sa pinakamataas na puwesto sa bansa.

Sina Roxas at Grace Poe ay hindi pa lantarang nagpahayag ng kanilang intensiyon although the DILG chief is already campaigning for the position.

Nililigawan ni Roxas si Poe na maging kanyang vice presidential candidate, pero tumanggi ang neophyte senator dahil gusto rin niya yatang tumakbo sa pagka-presidente.

Ang hindi pinapansin ay si Davao City Mayor Rody Duterte na ngayon ay dumarami ang mga taong gusto siyang tumakbo.

Baka na lang bumulaga kina Roxas, Poe at Binay ang pagsali ni Duterte sa presidential race.

Sigurista si Rody Duterte. Gusto niyang malaman sa mga dara- ting na surveys kung pinatatakbo siya ng taumbayan.

Kapag mababa ang kanyang ratings sa surveys, malamang ay di siya sasali sa presidential contest at tatakbo na lang siya ng reelection sa Davao City.

Sa mga nasasagap kong mga balita, dumarami ang mga taong gustong patakbuhin si Duterte dahil sa kanyang abilidad sa pagpapatakbo ng Davao City.

Davao City is practically drug and crime-free and this is confirmed by the fact that a worldwide survey ranks Davao City as among the Top 10 safest cities in the world.

Nakita ng taumbayan kung ano ang ginawa ng mga awtoridad sa Davao City sa dalawang lalaki na pumatay ng taxi driver na kanilang hinoldap: Napatay ang isa sa dalawa at hinahanap pa ang isa.

Instant justice para sa napatay na taxi driver.

Kapag naging Pangulo natin si Duterte tiyak na babagsak ng mabilis ang crime rate at mabibilang na lang si- guro ang mga drug pushers at traffickers.

At hindi lang yan: Lalago ang mga negosyo dahil magkakaroon ng tiwala ang mga negosyante sa gobiyerno.

Isang kaibigan kong may-ari ng chain of retail stores ang nagtaka nang di siya kinikilan ng mga taga Davao City Hall nang siya’y mag-apply ng business permit sa siyudad.

Sa lahat kasi ng lugar kung saan siya nagtayo ng kanyang negosyo, naglagay siya sa mga tauhan ng munisipyo upang mabigyan siya ng business permit.

Isa pang benepisyo na mangyayari sa bansa ay ang maaaring pagkawala ng communist insurgency at Moro secessionist movement.

Malaki ang tiwala ng New People’s Army at ng Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front kay Duterte.

Ang malaking paggalang ng NPA kay Duterte ay makikita sa pagpapakawala nila ng mga sundalong nabihag nila dahil sa pakiusap sa kanila ng Davao City mayor.

Ang Davao City kasi ay free zone para sa mga rebeldeng NPA at MNLF o MILF at mga sundalo. Nagkakasundo ang mga sundalo at rebelde na naga-“R and R” (rest and recreation) sa lungsod.

Sayang kung hindi tatakbo si Duterte dahil mahina siya sa mga darating na surveys.

Mawawalan tayo ng isang lider na tapat sa kanyang tungkulin.

Bukod sa magaling magpatakbo si Duterte ng lungsod ng Davao, ang pinakamaunlad na lugar sa Mindanao, malinis ang kanyang record sa isyu ng corruption.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kumpara kay Binay, na balitang naging bilyonaryo dahil sa diumano’y pangungurakot bilang mayor ng Makati City, si Duterte ay mistulang pulubi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending