Rating ng Eat Bulaga umabot na sa 45.6%; It’s Showtime gaya-gaya na lang kay Willie | Bandera

Rating ng Eat Bulaga umabot na sa 45.6%; It’s Showtime gaya-gaya na lang kay Willie

Alex Brosas - August 25, 2015 - 03:00 AM

EAT BULAGA AT SHOWTIME

EAT BULAGA AT SHOWTIME

PARANG spaghetting pababa nang pababa ang rating ng It’s Showtime ngayon.

In last Saturday’s episode kung saan dapat ikakasal na si Yaya Dub (Maine Mendoza) pero hindi natuloy dahil peke ang pari na magkakasal ay talagang halos magwala ang mga tao sa tuwa at hindi natuloy ang kasal.

The episode earned more than two million tweets, something which no other noontime show has ever achieved.

Easily, humataw sa all-time high ang rating for that day ng Eat Bulaga which got 45.6% against It’s Showtime’s 2.3%. That’s according to AGB Nielsen.

Imagine, pumalo na lang sa 2.3% ang noontime show ng Dos. With that, talagang naalarma na ang mga executives ng network kaya naman there are new schemes para makahatak ng tao.

Meron na sila ngang papremyo na P100,000. Namimigay na rin sila ngayon ng cash sa audience na dati ay hindi naman nila ginagawa. Ang naging da- ting tuloy, para raw nilang ginagaya si Willie Revillame.

Ang noontime ang pinaka-primetime sa TV kaya naman malaki ang cost kapag nag-place ka ng ads sa ganoong oras. Since Eat Bulaga is the most watched noontime show, pasok nang pasok ang ads.

Actually, humahaba ang commercial nila.

And what about Showtime? We don’t know pero kung more than 2% na lang ang rating mo ay paano ka pa makakaengganyo ng adverti- sers, right? That said, we feel na mas kumikitang hindi hamak ang Eat Bulaga kaysa sa Showtime ngayon and that’s because of AlDub.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending