Bagyong Ineng bumagal | Bandera

Bagyong Ineng bumagal

Leifbilly Begas - August 21, 2015 - 03:57 PM

pagasa
Bumagal ang pag-usad ng bagyong Ineng habang lumalapit sa kalupaan ng Batanes.
Nasa pitong kilometro bawat oras lamang ang inuusad ng bagyo kahapon sa direksyon ng kanluran, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Kahapon ay itinaas din ng PAGASA ang signal no. 3 sa Batanes group of islands, hilagang bahagi ng Cagayan kasama ang Babuyan at Calayan group of islands.
Signal no. 2 naman sa iba pang bahagi ng Cagayan, hilangang Isabela, Kalinga, Apayao, Abra at Ilocos Norte. Signal no. 1 naman sa iba pang bahagi ng Isabela, Ifugao, Mt. Province, Benguet, La Union at Ilocos Sur.
Pinag-iingat ng PAGASA ang mga maglalayag dahil aabot umano sa 1.25 hanggang 4 metro ang laki ng alon.
Kahapon ng umaga ang mata ng bagyo ay nasa 130 kilometro sa silangan ng Calayan. May hangin itong umaabot sa 170 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 205 kph.
Ngayong umaga (Sabado) ang bagyo ay inaashang nasa Basco, Batanes na at bukas 395 kilometro sa hilagang silangan ng kaparehong lugar.
Lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending