Magnitude 4.2 naramdaman sa Leyte
Leifbilly Begas - Bandera August 21, 2015 - 03:37 PM
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.2 ang Leyte kamakalawa ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ang lindol ay sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar at naramdaman alas-10:19 ng gabi. Ang sentro nito ay anim na kilometro sa silangan ng bayan ng Kananga.
Nagresulta ito sa Intensity IV paffalaw sa bayan ng Matag-on at Ormoc City.
Intensity III naman sa Leyte, Jaro, Albuera, Carigara at Tunga. Intensity II naman sa Tacloban City, Alangalang at Palo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending