Present sa sesyon may 'reward' | Bandera

Present sa sesyon may ‘reward’

Leifbilly Begas - August 19, 2015 - 03:41 PM

sonny belmonte
Sa halip na ang pangalan ng mga kongresista na hindi pumapasok sa sesyon ang inilabas, ang pangalan ng mga dumadalo sa sesyon ang inilabas ng liderato ng Kamara de Representantes.
Inilabas ang listahan bilang tugon sa panawagan na parusahan ang mga kongresista na hindi dumadalo sa sesyon kaya hindi makapagtrabaho ang Kamara.
Noong Martes ay 119 kongresista lamang ang sumagot sa roll call ng Kamara kaya nag-adjourn. Holiday sa Quezon City ngayon kaya sa Lunes na muli makakapagsesyon ang Kamara. Kahapon ay inilabas ang 119 pangalan ng mga dumalo sa sesyon.
Ayon kay Speaker Feliciano Belmonte Jr., ang paglalabas ng pangalan ng mga present ay bahagi ng reward campaign para sa mga kongresista na ginagawa ang kanilang tungkulin na gumawa ng batas.
“I-publish â˜yung names ng mga present at lagyan natin ng estrella sa ibabaw at sabihing they were present,” ani Belmonte. “Reward campaign naman â˜yung akin, kung ililista mo ang absent shame campaign. Hindi naman kami maximum tolerance, pero di puwede ˜yun, we have to have a quorum. Pinagbigyan na namin sila all this time.”
Suportado naman ng mga kongresista ang hakbang ni Belmonte upang mahikayat ang mga kongresista na dumalo. Marami sa mga kongresista ay nasa kanilang distrito ay pinaghahandaan na ang eleksyon sa susunod na taon. Sinabi ni Quezon City Rep. Alfred Vargas suportado niya ang ideya ni Belmonte.
“I support his idea of encouraging better attendance. The quorum issue is not a simple matter. We cannot accomplish anything in the House without it,” sabi Vargas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending