Benepisyo ng namatayan | Bandera

Benepisyo ng namatayan

Liza Soriano - August 19, 2015 - 03:00 AM

MAGANDANG araw sa Aksyon Line. Gusto ko lang sana na itanong kung ano-anong mga benefits ang pwedeng makuha ng naiwang pamilya ng pinsan ko na namatay habang nasa trabaho.

Nais ko lang po siya na tulungan dahil sadyang hindi po niya alam ang kanyang gagawin dahil sa kakulangan na rin ng kaalaman.

Sila ay may anim na anak. Ang panganay ay nasa high school habang ang bunso ay two-years-old pa lamang. Sobrang naaawa talaga ako lalo na sa tuwing nakikita ko ang kanyang mga anak. Sa ngayon ay ako na muna ang tumutulong sa kanila kahit sa pagkain lamang pero ang gusto ko sana sa perang maaaring makuha na benepisyo sa namatay na asawa ay gawing puhunan kahit sa maliit na negosyo lamang at makatulong sa kanilang pang araw-araw na gastusin. Umaasa ako sa tulong sa pamamagitan ng inyong column. Ang sss number ng pinsan ko ay 0211…

Salamat,

Abby

REPLY: Sadyang nakakalungkot ang nangyari sa pinsan mo na namatay at naiwan ang may anim na anak.

Ilang mga benipisyo ang maaaring makuha ng asawa ng pinsan mo ay ang funeral benefits at death claims, gayundin sa benefits mula sa Employees Compensation Commission (ECC) kung mapapatunayan na work-related ang dahilan ng pagkamatay nito.

Lumalabas naman sa aming data, Ms.Abby, na hindi umabot sa minimum na contributions para makatanggap ng habambuhay na pension ang kanyang misis, kasama na ang allowance ng mga anak na wala pang 21-years-old para sa death claims.

Ngunit maaari namang makakuha ng lump sum na death claims ang misis nito na aabot sa P42,000 habang P20,000 naman para sa funeral benefits.

Kinakailangan lamang na isumite ang mga kinakailangang requirements gaya ng death certificate, marriage contract na mula sa SSS, valid ID ng namatay at valid ID ng asawa.

Makakatulong din ang nasabing halaga para makapagsimula siya ng kahit na maliit na negosyo lamang.

Kinakailangan naman ng medical record kung may claim sa ECC. Sa ECC ay maaaring makatanggap ng funeral at death benefits.

Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan.
Ms Lilibeth Suralvo
Senior Office, Media Affairs
Department
SSS
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending