Yaya Dub, Alden Richards nagkita na raw 5 years ago; niloko nga ba ang Dabarkads?
MERONG lumabas na photo where then aspiring actor Alden Richards, (RJ Faulkerson) in real life, met Maine Mendoza now popularly known as Yaya Dub.
Nangyari ang pagkikita nila sa isang Candy Magazine event noong 2010 kung saan isa si Alden sa Candy Cuties. Magkasama ang dalawa sa picture pero medyo malabo ang kuha nila.
What is obvious, though, is that hindi photoshopped ang kanilang litrato. Easily, there are some people doubting the genuineness of the photo.
Some thought that they were just photoshopped to make sure the public will realize that they have met na at hindi tama ang sinabi ni Alden sa isang interview sa isang newscaster na never pa silang nagkita ni Maine.
Meron namang nag-aakalang isang demolition job ang paglabas ng photo dahil sinisira nito ang ilusyon ng publiko na never pa ngang nagkita ang dalawa.
There are those who thought na ang ABS-CBN ang may pakana sa paglabas ng photo dahil affected much sila sa kasikatan ng AlDub loveteam.
Inilampaso kasi nang todo-todo ng Eat Bulaga ang It’s Showtime simula nang umarangkada ang kalyeserye nila starring Alden and Yaya Dub.
Pero hindi kami naniniwalang ABS-CBN ang may pakana ng paglabas ng said AlDub photo. As it is, hindi nabasag ang ilusyon ng fans sa AlDub kahit na lumabas ang photo nila together.
“Edited man o hindi, point is napapasaya kami ng aldub. Hndi yng pagkikita nila o yng tamang panahon yung inaabangan ko. Kundi yng rawness.
Yung naturalesang pagpapasaya pati na rin yng mga taong relate na relate sa kanila bata man o matanda. Haist sarap ng feeling ng mainlove kaya sa mga basers please lng.
Sa aldub na nga lng ako kinikilig sinasabutahe nyo pa.” “KUNG INAAKALA NIYOOOO NA ANG ALDUB FEELINGS AY MAGBABAGOOOO ITAGA NIYO SA BATOOOO LALO LANG KAMING KINIKILIGGGG!!!”
“Hahahaha! I GUESS THIS IS THE REASON WHY YAYADUB REACTED THAT WAY LAST JULY 16 WHEN SHE FINALLY SAW ALDEN.
It was a dream come true! Sorry ABS, the thrill to see them meet AGAIN raves the fans even more!”
“CUTE!!! Their First photo together.
Habang tumatagal nakakaloka na ang aldub ah. If this is a ‘black propaganda’ (as some may call it) to bring down aldub, well sorry to say but you even made them MORE interesting. ALDUB these two! Kilig pa more.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.