Lovi hirap na hirap maging taong-grasa
CONCENTRATED ngayon si Lovi Poe sa kanyang career at lalo pa siyang na-inspire magtrabaho dahil sa magandang ratings at positive reviews para sa serye nilang Beautiful Strangers sa GMA Telebabad.
Kahit anong karakter ang gawin niya, effective at very convincing niya itong napo-portray katulad ng pagiging isang taong grasa sa serye.
Napaamin naman siyang hindi biro ang kanyang pinagdadaanan tuwing kailangan niyang maging taong grasa, lalo na’t nilalagyan siya ng prosthe- tics. Chika ng Kapuso Premier Actress, bukod sa matagal ang paglalagay nito, nahihirapan daw siyang kumain at gumalaw dahil iniingatan niyang hindi ito masira.
Pero sa kabila nito, hindi pa rin nababawasan ang kakulitan niya sa set dahil sobrang saya niya kasama ang mga co-actors at production team.
Tonight, abangan ang pagpapatuloy ng Beautiful Strangers kasama pa rin sina Heart Evangelista, Rocco Nacino, Benjamin Alves, Boyet de Leon at Dina Bonnevie.
Aabutan ni Rigor si Philip sa kanilang bahay bago pa man ito makaalis. Takut na takot si Philip matapos pagbantaan ni Rigor na sasaktan ang kanyang pamilya kung pipiyok ito.
Magmamakaawa si Philip kay Rigor na huwag idamay ang pamilya niya. Samantala, dadalhin sina Noel at Levi sa ospital matapos ang aksidente.
Mapapanaginipan ni Noel si Joyce na tila nagpapaalam na. Mapapadaan si Kristine sa kuwarto ni Noel at maririnig ang pagtawag ni Noel kay Joyce.
Sa awa ay lalapitan ni Kristine si Noel na noon ay nakataas ang mga kamay at tila may inaabot. Mahahawakan ni Noel ang kamay ni Kristine at mahihila palapit sa kanya.
Aakalain ni Noel na si Joyce si Kristine kaya hindi sinasadyang mahahalikan niya si Kristine. Samantala kritikal naman ang lagay ni Levi.
Nagbibilin siya kay Jason na huwag pabayaan ang inang si Imelda dahil nalalapit na daw ang oras niya. Hihingi siya ng tawad kay Imelda dahil nabigo siyang ibalik si Joyce sa kanila.
Ibabalita niya kina Imelda ang sinabi ng guwardiya na patay na raw si Joyce. At matapos noon ay tuluyan na ngang mapapatdan ng hininga si Levi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.