Coco ibinuking ni Maja: Kilig na kilig siya sa akin! | Bandera

Coco ibinuking ni Maja: Kilig na kilig siya sa akin!

Reggee Bonoan - August 19, 2015 - 02:00 AM


maja salvador

Umeere pa lang ang Bridges Of Love ay alam na ni Maja Salvador na magiging leading lady siya ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsiyano handog ng Dreamscape.

Kaya pala nu’ng finale presscon ng Bridges Of Love ay tinanong si Maja kung anong next project niya ay nabanggit niyang may gagawin na agad siya, pero hindi binanggit kung ano.

“Akala ko hindi ko magagawa itong Ang Probinsiyano kasi after Bridges, may pelikula akong gagawin, tapos may malalaking project pang mangyayari this year, so sobrang love talaga ako ng Dreamscape at iyon nagawan ng paraan ang schedule at magtagpo ‘yung schedule namin ni Coco,” kuwento ni Maja sa ginanap na media announcement bilang leading lady ng aktor noong Lunes ng gabi.

Hinamon ni Maja na ipakita raw ang ginanap na pictorial nila ni Coco dahil, “Hindi maitago ni Coco, kilig na kilig siya. Ha-hahaha! Sobrang happy niya,” natatawang sabi ng aktres.

“Yung happiness na naramdaman ko kasi hindi ko maitago kasi balik-tambalan kami ni Coco, dahil excited din ako for the fans, sa Coco-Jam (fans) na naghintay ng four years? Talagang hindi sila bumitiw dahil alam nila na isang araw ay magbabalik tambalan kami.

Itong Ang Probinsiyano ‘yung pinakaregalo namin ni Coco sa kanila,” nakangiting sabi ng dalaga.
Inamin ni Maja na sa seryeng Minsan Lang Kitang Iibigin sila naging close kesa sa una nilang seryeng Nagsimula Sa Puso.

Samantala, may advance screening ang FPJ’s Ang Probinsiyano sa Huwebes sa Trinoma cinema.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending