Jesse pangalawang asawa ni Roxas
Pangalawang asawa kung ituring ng namayapang si Jessie Robredo si Interior and Local Government Sec. Mar Roxas.
Ito ang sinabi ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo sa pagdiriwang ng ikatlong anibersaryo ng kamatayan ng kanyang mister na nasawi matapos na bumagsak ang eruplanong sinasakyan nito.
Sinabi ni Robredo na ‘matalik na magkaibigan’ ang kanyang asawa at si Roxas na pinaniniwalaan at hinahangaan umano nito.
“Ang tawag ko po sa inyo (Roxas), pangalawang asawa ni Jesse. ‘Yung asawa ko po nu’ng buhay pa ‘yun trabaho lamang tsaka bahay. ‘Yung nasa Maynila na po siya at kalihim na siya madalas siyang makipag-almusal sa bahay niyo,” ani Robrero.
Dumalo si Pangulong Aquino at Roxas sa selebrasyon kahapon.
Si Robredo ay isa sa mga ikinokonsidera na maging running mate ni Roxas sa 2016 elections.
Sinabi ni Roxas na naalala niya ang namayapang kalihim bilang isang simpleng opisyal na ang nais ay makapaglingkod ng totoo.
“Para sa akin, aaminin ko, hindi pa buo ang mga sagot sa tanong na ito. But I do know that road to discovery starts by honoring his memory continues by living up to his example, by standing up to the values that he embodied: Katapatan, dignidad sa trabaho, ang pag-iwan sa mundo ng mas mabuti kaysa ating nadatnan,” ani Roxas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.