San Beda, Arellano maghaharap; JRU, Perpetual magtutuos | Bandera

San Beda, Arellano maghaharap; JRU, Perpetual magtutuos

Mike Lee - August 18, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
2 p.m. JRU vs Perpetual
4 p.m. San Beda vs Arellano
Team Standings: Letran (8-1); San Beda (7-1); Perpetual (6-2); JRU (5-3); Arellano (5-3); Mapua (4-5); St. Benilde (2-7); San Sebastian (2-7); EAC (2-7); Lyceum (2-7)

MAGPAPATIBAYAN pa ang apat na koponan na may winning records sa pagtatapos ngayon ng first round elimination sa 91st NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Ang five-time defending champion San Beda College ay haharap sa Arellano University sa rematch ng mga finalists noong nakaraang taon na magsisimula matapos ang pagtutuos ng University of Perpetual Help at Jose Rizal University sa ganap na alas-2 ng hapon.

Ang Letran ay nagsosolo sa unahan sa 8-1 karta habang isang laro kapos ang San Beda sa 7-1 baraha. Ang Perpetual ay mayroong 6-2 record habang magkasalo sa ikaapat at ikalimang puwesto ang Arellano at JRU sa 5-3 kartada.

Muling aasa ang tropa ni San Beda coach Jamike Jarin sa lakas sa ilalim nina Ola Adeogun at Arthur dela Cruz pero mahalaga rin ang katatagan na ipakikita ng mga guards na sina Ryusei Koga at Dan Sara lalo pa’t ang Chiefs ay may malakas na guards sa pangunguna ng national player na si Jiovani Jalalon.

“We will make full use of our advantages,” wika ni Jarin.

Handa rin ang Chiefs na subukan na ipatikim sa San Beda ang kanilang ikalawang pagkatalo.

“Paghahandaan namin ang lahat kahit ang mga maliliit na bagay. Sina Ola at Arthur ay dapat na madepensahan at kailangan din namin ang patience sa opensa at bawasan ang mga errors,” wika ni Chiefs coach Jerry Codiñera.

Mainitan din ang pagkikita ng Altas at Heavy Bombers na parehong galing sa magagandang panalo sa huling laro.

Kinalos ng Perpetual ang Emilio Aguinaldo College, 68-55, at nakitaan ng magandang laro ang mga pamalit na sina Prince Eze at Antonio Coronel na gumawa ng 17 at 16 puntos.

Ang ipinakita ay tumabon sa masamang laro mula sa mga sinasandalan na sina Earl Scottie Thompson at Bright Akhuetie na nagsanib sa mahinang limang puntos lamang.

Si Thompson ay nagkaroon pa ng sprained left ankle pero inaasahang magaling na ito matapos ang isang linggong pahinga.

Sa kabilang banda, ang JRU ay bumangon mula 18 puntos pagkakalubog sa huling yugto para sa 90-87 panalo sa Mapua.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Bernabe Teodoro ay nagtala ng career-high 32 puntos sa nasabing laro para muling sandalan ng Heavy Bombers sa pagsungkit ng panalo kontra Altas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending