Roach gustong itapat si Pacquiao kay Garcia | Bandera

Roach gustong itapat si Pacquiao kay Garcia

Mike Lee - August 18, 2015 - 01:00 AM

GUSTO ni trainer Freddie Roach na itapat si Manny Pacquiao sa mahusay na si Danny Garcia sa susunod na taon.

Nakikita ni Roach na maganda ang tsansa ni Pacman na manalo kay Green dahil sa pasugod na istilo nito kung lumaban.

“He’d be a good opponent,” wika ni Roach kay Garcia na isang 27-anyos American boxer na hindi pa natatalo sa 31 laban at may 18 knockouts.

Isa siyang dating WBA at WBC light welterweight champion kaya’t hindi magiging problema ang timbang kung maisara ang laban.

Isa pang laban na nais ni Roach ay ang rematch kay Floyd Mayweather Jr.

Isang bagay lamang ang kailangang matiyak ni Roach at ito ay kung kailan makakapagsimula si Pacquiao sa kanyang pagsasanay.

Nagpapagaling pa ang multi-division world champion sa kanyang kanang balikat na nagkaroon ng rotator cuff tear habang nagsasanay sa pagtutuos nila ni Mayweather noong Mayo 2.

Abala rin si Pacquiao sa kanyang trabaho bilang Kongresista ng Sarangani Province at
inaasahang mas magiging busy siya sa susunod na taon dahil sa gagawing pambansang halalan.

Naunang sinabi ni Bob Arum ng Top Rank na si Amir Khan ang balak niyang isabak kay Pacquiao sa kanyang comeback fight sa 2016.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending