Papasok bukas (Martes) sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo na may international name na Goni.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration papangalanang Ineng ang bagyo pagpasok sa PAR.
Ngayong araw ang bagyo ay nasa layong 2,050 kilometro sa silangan ng Central Luzon. May hangin itong umaabot sa 140 kilometro ang bilis at pabugsong 170 kph.
Umuusad ito sa bilis na 20 kph pakanluran-hilagang kanluran. Kung hindi magbabago ang bilis at direksyon papasok ito sa PAR mamayang hapon.
Hindi inaasahang makakaapekto sa anumang bahagi ng bansa ang bagyo sa loob ng tatlong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.