Petecio kinapos sa ASBC finals | Bandera

Petecio kinapos sa ASBC finals

Melvin Sarangay - August 15, 2015 - 01:00 AM

MASAKIT na kabiguan ang nalasap ni Nesthy Petecio matapos matalo sa pamamagitan ng split decision kay Peamwilai Laopeam ng Thailand sa ASBC Women’s Boxing Championships nitong Huwebes sa Wulanchabu Sports Gymnasium sa Wulanchabu, China.

Ang dalawang judge na mula sa Ukraine at Kyrgyzstan ay nagbigay sa Thai boxer ng tatlong round habang si Petecio ay may isang round lang na napanalunan para sa parehong 39-37 karta. Ang ikatlong judge, na mula sa host country China, ay pumabor sa Pinay boxer sa iskor din na 39-37.

Naging maaksyon ang apat na round na tunggalian at maagang nagpakitang-gilas si Petecio para kunin ang unang round sa dalawang scorecards ng judges. Nagkaroon din ilang ng matinding palitan ang dalawang boksingera kung saan hindi nagpatalo ang bawat ang isa.

Bagamat nakapagbigay ng mas mabigat na suntok at kumbinasyon si Petecio sa laban, masaklap ang nangyari sa Pinay boxer sa ikatlong round nang aksidenteng masiko sa mukha ni Laopeam.

“Naramdaman ko talaga ang lakas ng tama nung siko at ilang segundo rin akong hindi makakita sa kanang mata ko,” sabi ng 23-anyos na tubong Davao.

Lumaban gamit ang pormang kaliwete sa pag-uumpisa ng ikatlong round, kinailangang magpalit ng estilo ni Petecio matapos ang masakit na tama sa mukha para makita niya ng maayos ang katunggali.

Hindi naman umano nakita ng mga judges at maging ng Kazakh lady referee, na nasa likuran noon ni Petecio, ang pangyayari.

Nagkaroon ng pantal sa kanang mata si Petecio na nakita naman ng mga opisyales bilang isang legal na tama ng suntok para ibigay ng mga hurado ang ikatlong round sa 31-anyos na four-time Southeast Asian Games gold medalist.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending