Mariel nag-iiyak uli sa pagkawala ng triplets: hindi ko maintindihan!
SA ikalawang pagkakataon ay muling nakunan si Mariel Rodriguez sa triplets sana nila ng asawang si Robin Padilla.
Sa isinagawang check-up ni Mariel noong Agosto 12 sa Asian Hospital ay nalamang wala na palang heartbeat ang dinadala ng TV host.
Base sa isang video na inilabas ni Robin ay nakitang napaiyak na naman ang asawa sa sinapit ng kanilang magiging mga anak, na ang tanging nasabi na lang nu’ng mga oras na ‘yun ay, “I don’t understand.”
Nakatanggap naman kami ng official statement buhat sa manager ni Robin na si Betchay Vidanes noong Huwebes ng gabi: “To our dear public, we received a confirmation message from Mr. Robin Padilla regarding the status of their pregnancy.
“It is with such a heavy heart that we are informing you that Ms mariel has suffered a miscarriage on August 12, 2015 at 6:30pm and the couple have lost the triplet pregnancy.
“On behalf of the couple, we would like to ask for your prayers and utmost consideration for the couple’s privacy and confort. “May the Creator bless them with hope, mercy and joy.”
Sayang naman dahil sobrang saya pa naman ni Mariel na nagdiwang ng kaarawan niya noong Agosto 10 sa magandang regalong sa kanya ng Maykapal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.