Pelikula ni John Lloyd pasok na sa MMFF dahil sa pag-atras ni Binoe
Base naman sa rules and regulations ng MMFF, kapag may nawala o umatras na pelikula, ipapasok ang nasa waiting list.
Kaya ang pelikula ni John Lloyd Cruz na “Con Man” ang kapalit ng “Nilalang” na produced nina Erik Matti at Dondon Monteverde.
Nasa Magic 8 ang “Nilalang” samantalang ang “Con Man” ay pang-number 9 sa listahan ng MMFF at dahil nga sa pag-atras ni Robin kaya pasok na ang pelikula ni Lloydie.
Kung matatandaan bossing Ervin, sumama pa ang loob ng aktor nang hindi mapasama sa magic 8 ang “Con Man”. Ayon sa panayam namin noon sa aktor, “Malayo kasi siya sa tema ng criteria na mayroon ang committee ng MMFF and we respect that.
Siyempre, hindi naman kami ang committee, sila ang committee so, they get to decide.” Kung pormal na ngang ipapasok ng MMFF executive committee ang entry ni Lloydie ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakasali ang aktor sa taunang filmfest.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.