Bistek atras sa pagtakbong senador sa 2016
Re-electionist pala si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa eleksiyon 2016 at hindi totoong kakandidato siyang Senador.
May nagtsika kasi sa amin na Senado na ang target ni Herbert next year para raw si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte naman ang kakandidatong Mayor ng lungsod.
Siguro ay napag-usapan na tatapusin ni Bistek ang ikatlo at huling termino niya bilang Mayor ng Q.C. kaya biglang nabago ang plano.
At dahil dito ay gusto naming tawagan ng pansin si Mayor Bistek dahil ang ginawang kalsada sa may 1st Camarilla Street, Barangay San Roque, Q.C. ay hindi maayos ang pagkakagawa, sira pa rin sa mga gilid.
Samantala, nabalitaan din namin na tatakbo raw bilang konsehala ng ikaanim na distrito ng Quezon City si Tates Gana, ang ina ng mga anak ni Herbert.
Ang alam namin ay noong 2010 pa binalak ni Ms Tates na kumandidato ng konsehal pero hindi raw pumayag si Bistek at marahil ngayon ay okay na siyang sumabak sa politika kaya tuloy na ang naunsiyaming plano ng una.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.