Angel mas sakitin pa kay Ate Vi; shooting ng movie na-cancel uli | Bandera

Angel mas sakitin pa kay Ate Vi; shooting ng movie na-cancel uli

Julie Bonifacio - August 09, 2015 - 02:00 AM

vilma santos

NA-CANCEL ang shooting ng second movie ni Batangas Gov. Vilma Santos at Angel Locsin last Thursday dahil nagkasakit na naman daw ang huli.

Supposed to be, Tuesdays, Thursdays and Saturdays ang shooting ng movie nila sa direksyon ni Joyce Bernal under Star Cinema.

Puspusan na dapat ang shooting nila for the movie dahil may playdate na ito sa mga sinehan. In fact, pagbalik ni Gov. Vi from her last trip abroad ay handang-handa na siyang mag-shooting.

And from then, naging smooth naman ang schedule ng Star For All Seasons for the movie.
Nagtaka naman ang source namin kung bakit si Angel ang sumakit ang likod at hindi si Gov. Vi na ‘di hamak na mas bata sa girlfriend ni Luis Manzano. He-hehehe!

Knowing Angel, napaka-health buff niyan and physically fit. Kaya nakakagulat marinig kapag nagkakasakit siya.

Pero sa panahon kasi natin ngayon talagang usung-uso ang sakit, lalo na ang trangkaso. Pero ang worry ng ibang maka-Angel, kung ngayon pa lang daw ay madali nang indahin ni Angel ang sakit sa kanyang katawan, what more kapag nag-start na ang “Darna” na sandamakmak ang action scenes.

On the other hand, sa gitna ng kabisihan ni Gov. Vi sa pag-aasikaso sa Batangas lalo pa’t last term na niya at pagsu-shoot ng movie, wala pa ring tigil ang espekulasyon na “nililigawan” pa rin siya na maging running mate ni Sec. Mar Roxas sa darating na Presidential election lalo pa’t nakita sila na magkatabi sa event ng Liberal Party kamakailan.

Hoping pa rin ang marami na magbabago ang isip ni Gov. Vi at tanggapin na ang alok na maging VP ni Sec. Mar. So far very firm pa rin ang aktres-politiko na tigil muna siya politika after her term sa Batangas.

Mas feel daw talaga niyang magbalik-showbiz kesa tumakbo ulit for a higher position sa politics. Feeling ni Gov. Vi this is her chance to do films and TV projects as many as she can na hindi niya magawa-gawa habang nakaupo sa public office.

Although, may tsika na pinag-iisapan daw ni Gov. Vi ang offer na tumakbo siya bilang congresswoman sa lalawigan ng Batangas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung magpapatuloy daw si Gov. Vi sa kanyang political career, mas feel daw ng mother ni Luis ang maging kongresista.

For whatever decision na gawin ni Gov. Vi mula ngayon until sa last day ng filing ng candidacy sa October, tiyak na suportado siya ng kanyang loyal Vilmanians. ‘Di ba, Jojo Lim?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending