Malditang aktres na tumanggi sa ‘selfie’ tinarayan ng waiter
NAKAKUHA ng katapat ang malditang aktres nang tarayan siya ng isang waiter sa isang restaurant kung saan ginanap ang presscon para sa bagong programa niya.
Maayos na nagpaalam ang waiter para magpakuha sila ng picture pero pataray na inisnab siya ng aktres na ikinagulat ng waiter kaya ang ending tinarayan din siya ng waiter.
Sayang nga at hindi yata narinig ng aktres ang sinabi ng waiter, tanging ang handler lang nito ang nakarinig kaya nanliit ito.
Ito naman kasing si aktres akala mo sikat at nuknukan ng ganda, e, wala naman siyang ipagmamalaking kagandahan. Hindi rin siya seksi, ‘no!
Hindi porket ganu’n lang ang trabaho nu’ng tao ay tatarayan na niya at iisnabin. Marangal ang pagiging waiter, ‘yung iba nga ay graduate pa.
Napipilitan lang silang magtrabaho ng iba dahil sa hirap ng buhay. Ano ba ang ipinagmamalaki ng isnaberang aktres na ito, e, hindi rin naman kagalingang umarte? Kaya hindi siya sumikat-sikat dahil sa pangit na attitude niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.