Vice bawal nang rumampa sa kalsada pag madaling-araw: Napagalitan na ‘ko! | Bandera

Vice bawal nang rumampa sa kalsada pag madaling-araw: Napagalitan na ‘ko!

Reggee Bonoan - August 07, 2015 - 03:00 AM

VICE GANDA

VICE GANDA

HIYAWAN ang lahat mga miyebro ng Lesbian Gay Bisexual and Transgender community sa ginanap na “KeriBeks: 1st National Gay Congress” nang lumabas sa stage ng Araneta Coliseum si Vice Ganda para ipakita ang kanyang suporta sa nasabing event.

Nang makapanayam si Vice ng TV reporters ay inamin niyang suportado talaga niya ang lahat ng aktibidades ng LGBT. Sabi ng TV host-comedian sa kanyang mga kabaro, “Stay in power, stay believing in yourself, kung anong kakayahan ninyo, ipakita sa buong mundo dahil mayroon tayong puwang sa lipunang ginagalawan natin.”

Sa tanong kung ano ang naitulong ng isinagawang “Keribeks: 1st National Gay Congress”, “Marami, nakakalakas ng loob ‘yung makita mo kung gaano karaming taong tulad mo, kung gaano karaming iisang lengguwahe katulad mo, kung gaano karami at hindi ka nag-iisa at huwag matakot kung bakla ka dahil maraming katulad mo.”

May chance ba ang mga bakla sa kanilang pakikipaglaban, “Oo may chance, di ba nakikita ninyo ngayon na ang isang bakla sa telebisyon nagbibida-bida na, hindi naman natin nakita ‘yun dati. Kaya ‘yung tagumpay ko ngayon ay maaaring maging tagumpay din ng ibang bakla.”

Si Vice ang kasalukuyang icon ngayon ng mga bakla at suportado rin siya ng LGBT kaya nu’ng lumabas siya sa entablado ay hindi magkamayaw ang lahat ng nasa loob ng Araneta Coliseum.

“E, kasi nga nakikita nila ‘yung sarili nila sa akin. Binibigkas ko ‘yung lengguwahe nila, ikinikilos ko ‘yung galaw nila, ‘yung tibok ng puso nila, takbo ng utak nila, ganu’n ako, di ba? Nakikita nila ‘yung sarili nila sa akin,” ani Vice.

Dagdag pa ni Vice, marami talaga siyang nakakausap na common na bakla dahil kabilang siya sa mga ito, “Isa akong common na bakla na nakikita nilang nagba-volleyball sa kalsada, kumakain sa kalsada.

“Ang hindi ko na lang nagagawa ngayon ay ‘yung rumampa sa kalsada kapag madaling araw kasi napapagalitan na ako,” pahayag ng TV host-actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending