‘Hindi ako nahirapan sa Jadine loveteam!’ – Direk Antonette | Bandera

‘Hindi ako nahirapan sa Jadine loveteam!’ – Direk Antonette

Reggee Bonoan - August 05, 2015 - 02:00 AM

james reid

WOMAN of the hour si Direk Antoinette Jadaone sa ginanap na presscon ng seryeng On The Wings Of Love. Ito ang unang TV series na gagawin niya mula sa produksiyon ng Dreamscape Entertainment.

At talagang dinaig niya ang dalawang bida na sina James Reid at Nadine Lustre. Iisa ang tanong sa kanya ng press – hindi ba siya nahirapang magdirek ng teleserye dahil mas gamay nga niya ang pelikula.

Mukhang pinaghandaan naman ni direk Antoinette ang kanyang sagot, “Nu’ng umpisa po naninibago po ako kasi galing po ako ng pelikula na, mas mahaba, na ‘yung buong character, art niya, e, sa isang buong script mo siyang gagawin.

“Sa teleserye naman, siyempre first time kong pumasok dito, may big ender so hindi ko masyadong (alam), pero na-realize ko na parang magkaiba lang silang medium, pero pareho lang silang nagkukuwento, pareho lang silang may gustong sabihin na kuwento tungkol sa love, tungkol sa relationship, so ‘yung pagdidirek ng isang kilig sa movie, parehas lang po siya sa teleserye. Ang pagkakaiba lang, bago ‘yung artista na katrabaho ko, sina James at Nadine,” paliwanag ng direktor.

Natanong din si direk kung paano naman siya napunta sa Dreamscape Entertainment dahil alam ng lahat ay sa Star Creatives siya gagawa ng serye dahil nga ang Star Cinema ang nagbigay sa kanya ng break para gumawa ng commercial movies dahil mas kilala siya sa indie films.

“Si sir Deo (Endrinal), nagbigay po siya ng mga options ng stories, mayroon pong Ryan Gosling (Hollywood actor). Ha-hahaha! Hindi, biro lang. So nagbigay ng options ng stories, e, ang pinakamalapit talaga sa akin ‘yun love story and romatic comedy, saka sina James at Nadine kasi, napanood ko sila sa ‘Diary Ng Panget’, sobrang na-endear ako sa kanila, si James Reid at Nadine Lustre ‘yung isang option, ‘yun po ‘yung pinili ko kasi nga love story,” ani direk Antoinette.

Marami rin ang nagulat dahil malaking project kaagad ang ibinigay sa kanya dahil pinalipad pa siya ng San Francisco, USA. Ganu’n kalaki ang tiwala sa kanya ng Dreamscape.

At natanong din ang On The Wings Of Love director kung ano naman ang naging karanasan niya kina James at Nadine at experience nila sa Amerika.

“Ano po, malamig (sa US). Ang difference po talaga, mahirap mag-shoot sa isang malamig na lugar tapos hindi pa namin kabisado ‘yung lokasyon, tapos skeleton crew lang po kami, kami-kami lang ang magkakasama, kapag kailangan mo ng tubig, kumuha ka ng tubig, walang magdadala sa ‘yo.

“Ang difference doon sa US, lahat kayo (artists at crew) tulungan, family kayo, walang laglagan. Kasi kung may isang hindi nagtrabaho nang maayos, hindi matatapos nang maayos at maganda ‘yung movie.

“Masarap sa umpisa ang malamig na weather, pero hindi na sa katagalan kasi sobrang lamig po talaga doon, as in kailangan naming mag-bonnet at mag-gloves at mag-pray,” kuwento pa ng direktor.

Hangang-hanga rin si direk Antoinette sa JaDine dahil, “Sobrang inaalalayan nila ang isa’t isa, nagtutulungan sila sa kanilang mga eksena, saluhan.

Kaya nakakatuwa kasi ang gaan nilang katrabaho, sobrang alaga nila ang loveteam nila, hindi ako nahirapan sa kanila.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sobrang pinuri si direk Antoinette sa trailer ng On The Wings Of Love dahil parang pelikula nga ang atake nito .

Kaya abangan ang OTWOL sa Agosto 10, kung saan kasama rin sina Joel Torre, Nanette Inventor, Albie Casino at Cherry Pie Picache na idinirek nina Antoinette at Jojo Saguin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending