Bea: Grabe! gusto kong maging katulad ni Ms. Dawn! | Bandera

Bea: Grabe! gusto kong maging katulad ni Ms. Dawn!

Reggee Bonoan |July 31,2015
facebook
share this

Bea: Grabe! gusto kong maging katulad ni Ms. Dawn!

Reggee Bonoan - July 31, 2015 - 02:00 AM

dawn zullueta

Nasulat namin kamakailan dito sa BANDERA na pinuri-puri nina Richard Gomez at Dawn Zulueta ang co-actor nila sa “The Love Affair” na si Bea Alonzo bagay na labis namang ikinatuwa ng dalaga.

Kaya hiningan din ng panig si Bea kung ano naman ang masasabi niya kina Goma at Dawn. Kuwento ng aktres tungkol kay Richard, “(love scene) hindi ko naman na-feel na ano (nag-take advantage), hindi ko na-feel na nahiya ako, professional naman siya.

“Masaya silang katrabaho sa totoo lang, light silang kasama, si kuya Goma parati lang siyang nagpapatawa, hindi siya seryoso (sa buhay) tapos ang dami niyang kinukuwento sa akin.

“Iyon ‘yung bagay sa sarili ko na hindi ko gusto na sometimes I get too serious about life and I don’t enjoy life anymore, ‘yun ‘yung nagagandahan ako sa personality niya na nage-enjoy siya sa buhay, masaya siya sa buhay niya.

Gusto kong makuha ‘yun, gusto kong ma-inspire sa kanya. “Saka nabibilib ako kay kuya Goma kasi ang dami niyang nagagawa sa buhay niya, successful siya sa acting, sa sports, ang galing niya, tapos narinig ko nagpi-play din siya ng instrument, he loves music, paano niya nagagawa ang lahat ng ito and he’s brilliant in everything, nabibilib talaga ako,” papuri ni Bea kay Richard.

Nakangiti naman ang aktor habang pinakikinggan ang mga sinasabi ni Bea. Ang masasabi naman ni Bea kay Dawn, “Si Ms. Dawn naman, grabe fan ako, tuwing makikita ko siya ang ganda niya,

I always tell her na gandang-ganda ako sa kanya, maski nga hindi niya alam, sinasabi ko kay kuya Goma, ‘ang ganda ni Ms. Dawn ‘no?’ Tapos sabi naman niya (Richard), ‘sobrang ganda ng taste ko.’

“Saka si Ms. Dawn, sobrang graceful niya sa bawa’t galaw niya, she’s such a good actress, talagang nabibilib ako kung paano niya hina-handle ang personal life niya at career niya, cutie and everything.

Gusto ko maging ganyan, Ms. Dawn ha, i-workshop mo ako, ha?” pahayag pa ni Bea.
Mapapanood na ang “The Love Affair” sa Agosto 12 mula sa Star Cinema.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending