Enchong nag-iiyak sa loob ng PBB house | Bandera

Enchong nag-iiyak sa loob ng PBB house

Reggee Bonoan |July 30,2015
facebook
share this

Enchong nag-iiyak sa loob ng PBB house

Reggee Bonoan - July 30, 2015 - 02:00 AM

enchong dee

May chinito problem si Enchong Dee dahil hindi niya personal na nakausap o nakita ang kuya niyang si AJ Dee na nagdiwang ng kaarawan noong Lunes.

Nasa loob na kasi uli ng Bahay ni Kuya si Enchong bilang isang robot. At dahil robot nga si Enchong ay hindi siya puwedeng magsalita hangga’t walang go signal kaya’t habang nagsasalita ang kuya AJ niya sa confession room ay nakikinig lang siya at tumutulo lang ang luha.

Malungkot din ang kuya AJ ng aktor dahil first time raw niyang magdiriwang ng kaarawan na hindi kasama si Enchong. Nakagawian na kasi nilang pamilya na sama-sama silang nagsisimba bilang pasalamat at saka kakain sa labas.

Kuwento pa ni AJ na pinalaki raw sila ng magulang nila na close sa isa’t isa kaya pala mabigat sa loob ni Enchong na pumasok sa PBB noong Linggo dahil nga birthday ng kuya niya kinabukasan.

Marami pang ikinuwento ang kuya AJ ni Enchong na ngayon lang namin nalaman, kabilang na riyan kung bakit prim and proper ang bida ng Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito dahil nga malapit siya sa pamilya niya at kapag may problema ay sila-sila rin ang nagtutulungan.

Bukod dito ay laking probinsiya si Enchong kaya siguro hindi lumaking barumbado at barubal bagkus ay malambing na tao.

At sa sobrang bait ng aktor ay kung anu-anong negatibong isyu ang ibinabato sa kanya na sabi nga ng kuya AJ niya ay huwag pansinin at ipagpatuloy lang ang kanyang pagtatrabaho dahil ipinagmamalaki niya ang kapatid.

Si Enchong ang tatayong pinaka-kuya sa kanilang magkapatid dahil nagbilin ang kuya AJ niya na alagaan ang bunso nilang si Isaias.

Sa Norway na pala maninirahan si AJ kaya gusto rin sana ng aktor na bago umalis ang kuya niya ay makapag-bonding sila.

Anyway, bukod sa PBB 737 ay napapanood pa rin si Enchong kasama si Richard Yap sa Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito tuwing Linggo ng gabi.

Pero duda namin bossing Ervin, pinalalabas naman si Enchong sa PBB house kapag wala siya sa eksena para sa iba niyang commitments.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending