Dawn pumayag ipahawak ang dibdib kay Goma | Bandera

Dawn pumayag ipahawak ang dibdib kay Goma

Reggee Bonoan |July 29,2015
facebook
share this

Dawn pumayag ipahawak ang dibdib kay Goma

Reggee Bonoan - July 29, 2015 - 02:00 AM

richard gomez

Sobrang pinupuri nina Richard Gomez at Dawn Zulueta si Bea Alonzo habang ginagawa nila ang pelikulang “The Love Affair” na idinirek ni Nuel Naval mula sa Star Cinema.

Ang sabi ni Dawn, “Well, I only had one scene with Bea unfortunately. The one whole night naming shinoot na ‘yung one scene na ‘yun together and natuwa naman ako sa kanya kasi, she’s such a dedicated actress, I can understand what it feels like to be in her shoes kasi once upon a time ako rin ‘yung younger who was working with the senior stars.

“Ako kasi, well I’m very generous really as an actress and I like to help the younger ones to get involve and get comfortable kasi I’m working and getting the scene real and napaka-intense ng eksena na sini-shoot namin at bina-block palang namin, I just wanted her to feel na we’re gonna do this together, kaya sabi ko, ‘Bey (tawag niya kay Bea), let’s do this.’ Tapos siya naman, sabi niya, ‘Game!’ So, you know, I like that.”

“And I hope this is not the last time that I work with her because she’s really a very competent actress and I think she’s really went to reach much further where she is now, so I hope I would still be there along the way and work more projects with her,” pahayag pa ni Dawn.

Sabi naman ni Richard, “Nag-enjoy ako kay Bea, she’s a very fine actress, ang ganda ng maturity niya, ang sarap niyang katrabaho sa mga eksenang ginagawa niya at hindi nakaka-conscious katrabaho si Bea at the same time, bilang artista dapat hindi iniisip na, ‘Ah naging best actor na ako dati’ dapat iniiwan mo lahat ‘yung mga trophy sa bahay ‘yung mga ipinanalo mo para parang fresh palagi ang isang project o pelikula.”

At habang sinasabi nina Goma at Dawn ito ay nakatingin sa kanila si Bea na halos matunaw sa sobrang papuri sa kanya kaya naman abut-abot ang pasalamat niya dahil hindi raw ipinaramdam ng dalawa na baguhan lang siya kung ikukumpara sa kanila.

Samantala, nagkatawanan naman sa loob ng Dolphy Theater kung saan ginanap ang presscon ng “The Love Affair” nang tanungin si Dawn tungkol sa paghawak ni Richard ng dibdib niya at paano raw siya napapayag na gawin iyon considering na happily married siya at habang tinatanong ang aktres ay natatawa naman ang kanyang leading man.

“Well, as an actor kasi, you usually take everything in the whole content and you have to really understand what the scene is really all about.

“Of course, you as the audience watching it on a trailer, you don’t know what really happens and you only see that part and it shocks you, di ba?” paliwanag ni Dawn.

Humirit naman si Goma ng, “Na-shock din ako!” Sagot ni Dawn, “Ako rin na-shock.” “But honestly, pinag-usapan namin ni direk (Nuel) kung paano gagawin kay Dawn kasi very sensitive yun e, well, it’s up to her to explain to the husband, kami naman we’re actors doing the scene, so I guess napag-usapan nila ‘yun,” esplika pa ni Richard.

Galit daw kasi sila sa kuwento kaya raw ganu’n ang atake ng eksena. Kaya ang hirit ni Goma, “Sana lagi akong galit (sa eksena)! Ha-hahaha!”

Sabay baling ng aktor kay Bea ng, “Ikaw gusto mo akong magalit?” Tumawa lang ang batang aktres sabay iling.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakakatuwang panoorin sa entablado sina Goma at Dawn dahil ang ganda ng naging samahan nila pagkatapos nilang maghiwalay bilang magkasintahan at inamin ng aktor na iniyakan din niya ang aktres ng maghiwalay sila.

Anyway, mapapanood ang “The Love Affair” sa Agosto 12, Miyerkules mula sa Star Cinema.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending