Kahit pinagbawalan na raw ni Anne…Sam Concepcion nakikipag-usap pa rin kay Jasmine
Pagkalipas ng tatlong taon ay muling mapapanood si Sam Concepcion sa pelikula, ang “Makata (Poet)”, isang indie film na idinirek ni Dave Cecilio produced by Andrei James Acuna.
Huling napanood si Sam sa pelikulang “I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila” noong 2012 at pagkatapos ay nag-serye na siya sa ABS-CBN at gumawa ng album.
Tinanggap ni Sam ang “Makata” dahil na-challenge siya sa papel niya bilang underground street rapper o fliptoper.
“Ang challenge sa akin ay kung paano ko mabibigyan ng depth ‘yung mga simpleng salita, saka ‘yung Tagalog, malalim at kung paano mo sasabihin.
Of course, we have script (sinusunod), pero (atake) parang naglalaro lang, may mga guest rapper din kami sa rap battle,” kuwento ng singer-actor.
Bagama’t musikero si Sam ay hindi naman niya linya ang pagra-rap kaya aminadong kailangan niyang pag-aralan ito ng husto.
Tinanong namin si Sam kung bakit niya tinanggap ang “Makata (Poet)” dahil pakiwari namin kaya siya gumawa ng indie film ay para maabot ang masa dahil nga hanggang ngayon ang mataas ang imahe niya dahil sa pagiging Inglisero.
“Kasama na rin po iyon, I think it only appears that way. In the recent, well last year especially, I was privilege to have a few hits nu’ng ni-release ‘yung album ko.
Gusto ko rin sana ma-blur ‘yung lines at kung ano ang accepted ng masa,” pahayag ni Sam.
Samantala, hindi naiwasang tanungin si Sam tungkol sa ex-girlfriend niyang si Jasmine Curtis pero hindi niya sinasagot ang mga tanong, ang sabi lang niya, hiwalay na sila ng TV host-actress ng ga- win niya ang “Makata” kaya hindi ito ang naging therapy niya para makapag-move on.
Tinanong namin nang diretso si Sam kung single siya ngayon, “focus po muna ako sa career and work and will have a teleserye coming.”
Kasama si Sam sa soap opera nina Richard Gomez at Dawn Zulueta na “You’re My Home” at kapartner niya si Claire Ruiz na kasama rin sa Makata.
Muli naming tinanong si Sam kung loveless siya ngayon pero hindi na naman niya sinagot kaya kinumusta na lang namin ang “baby” nila ni Jasmine na isang aso kung dinadalaw niya.
Medyo natagalan siyang sumagot at sabay sabing, “well, we still have communication because we have a lot of common friends. Hindi naman nawawala na minsan magbatian kami.”
Sa madaling salita, single si Sam, pero baka naman gumagawa siya ng paraan para muli silang magkabalikan ni Jasmine.
Anyway, mapapanood ang “Makata” sa Setyembre at mga estudyante ang target audience ng pelikula, sinadya ring hindi ito isali sa mga international film festival dahil hindi naman daw interesado sina direk Dave sa awards.
Bukod kay Sam ay ka-join din sa pelikula sina Angelo Ilagan, Rez Cortez, Julio Diaz, Claire Ruiz-Hartell, Dianne Medina, Lou Veloso, Lance Raymundo, Anna Marin, Mini Jugs Reodica at Rosanna Roces.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.