Madlang pipol nanawagan sa DOS: Ibalik si Alex Gonzaga sa The Voice | Bandera

Madlang pipol nanawagan sa DOS: Ibalik si Alex Gonzaga sa The Voice

Reggee Bonoan - July 22, 2015 - 02:00 AM

yeng constantino

AKALA namin ay kami lang ang nakapansin na tila hindi nag-e-exist si Yeng Constantino sa The Voice Kids Season 2 dahil may mga pagkakataon na hindi siya ipinapakita.

Iisa ang tanong sa amin ng manonood at ilang katoto, “Anyare kay Yeng? Parang waley naman siyang naitutulong sa The Voice Kids 2? Mas maganda pa noong si Alex (Gonzaga), ramdam mo talaga ‘yung presence niya dahil tuwang-tuwa sa kanya ang kids at mas mahaba pa minsan ang exposures niya kaysa kina Luis Manzano at Robi Domingo. Aliw kasi si Alex.”

Oo nga, tanda namin nu’ng tinanong namin si Yeng kung kaya ba niyang tapatan ang pagiging luka-luka ni Alex sa show na naging trademark na ng sister ni Toni Gonzaga, ang tugon ng magaling na singer-composer, “Naku, lalabas dito ang mga kalokohan ko rin.”

Pero ano nga bang nangyari, parang wala naman kaming nakitang ipinakitang kakaiba si Yeng at medyo dry pa kung magbigay ng payo sa kids?

Ipinagtanggol naman si Yeng ng isang taga-ABS-CBN na nakausap namin, “Busy kasi si Yeng sa pagiging housewife, mas binibigyan niya ng priority ang role niya ngayon bilang asawa ni Yan (Victor Asuncion), alam mo na?”

Oo naman, hindi naman namin nakakalimutan na bagong kasal siya at nag-a-adjust pa sa bagong phase ng buhay niya, pero ang tanong nga ng karamihan, bakit parang wala naman siyang contribution sa TVK2.

Kaya ang request ng nakararami, “Ibalik na lang nila si Alex sa Season 3, mas buhay pa ang show.”
Pero baka naman talagang in-edit ang ibang exposures ni Yeng para mas bigyang pansin ang mga bagets na contestants at ang pakikipagkulitan nila sa tatlong coaches na sina Lea Salonga, Bamboo at Sarah Geronimo, idagdag pa ang nakakalokang humor ni Luis Manzano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending