Lea kay Sarah: Maingay din yan, may topak din sa ulo!
GUSTO rin palang mag-audition ng nag-iisang anak na babae ni Coach Lea Salonga sa The Voice Kids pero hindi niya ito pinayagan dahil bawal.
“Well, she’s kind of a disqualified because I’m a coach of the show and she has access to me pretty much 24/7.
“Sabi niya (anak), ‘bakit hindi ako puwede?’ Sabi ko, ‘e, kasi ang nanay mo ay coach na sa show, so baka medyo lutong macau kung sumali ka, hindi rin magandang tingnan,” paliwanag ni Lea sa anak.
Kontesera rin si Ms. Lea noong bata pa siya hanggang sa napunta siya sa Repertoire Philippines, pero ayaw niyang payagan ang anak na sumali sa mga singing contest lalo na sa ibang network.
“I don’t know, I’m not sure. It’s something that the whole family would think about first before we say, ‘o sige’ and then it’s hard also if it’s from another network not in ABS,
I don’t know, mahirap parang ayoko yata,” natawang sagot ni coach Lea sa ginanap na Philip Stein watch launching bilang brand ambassador.
Sa madaling salita ay ayaw ni Lea na pagdaanan din ng anak niya ang mga pinagdaanan niya noong sumasali siya sa mga contest.
“Parang I don’t know, I think her talents…she has amazing hands with drawing, painting and design in the fashion outfits together.
As in hindi ko na siya kayang sabihan kung ano ang isusuot niya on a daily basis. “She knows what she likes, she knows what she wants and what she picks is much better than I chose, so sabi ko, ‘sige anak, ikaw na ang bahala kung anong gusto mong isuot,'”paliwanag ni Lea.
Posible bang maging stage mother siya sa anak, “Ayoko no’n. Ang sama kasing pakinggan. Yung pangalang stage mother, negative na ‘yung connotation, e.
All I can be is a mom and all I can do is encourage her and support her 100% kung anuman ‘yung gusto niyang gawin sa buhay niya,” katwiran ng isa sa Voice coach.
Samantala, sobrang natutuwa ang lahat ng taong involved sa The Voice Kids Season 2 dahil sa napakataas ng rating nila kada weekend na umaabot sa 42.3% pag Sabado at 42.5% pag Linggo.
“It’s unbelievable! When I saw the numbers, I couldn’t move, it’s like, sandali lang ha, i-process ko muna ito kasi ang taas ng numero.
“What did we do, oh my God? These are not easy numbers to get and over the course of the entire life span of the show and this is our fourth season.
Wala naman kaming ibang ginagawa, eh. The blind auditions go as the blind auditions go and may nagsabi na ang kukulit ni ganyan, ang kukulit ninyong tatlo, the banter between the three of us is such na nae-enjoy ‘yung tao,” masayang kuwento ni Lea.
Isa pang ikinatutuwa raw nila ni Bamboo ay nagiging makulit na si Sarah na lumalabas na sa kanyang shell kaya nga lagi niyang ginu-goodtime kasi easy target na labis namang ikinare-react ng fans at sinabing nasasaktan sila para sa singer-actress pang pinaglalaruan ito.
“Maingay si Sarah, hindi lang ‘yung prim and proper na parati nating nakikita kundi may topak din ang ulo, mayroon din siyang sense of humor and it’s refreshing.
I think her fans are having a good time watching her grow,” paglalarawan ni Lea kay Sarah. At sa tanong kung anong pakiramdam ni Lea kapag hindi siya ang pinipili ng mga batang contestants, “Okay lang, ang bata kapag tumapak na sa stage, desidido na sila kung sino ang pipiliin nila like for example, si Bamboo ang unang nag-turn, tapos ako, as in hindi na niya ako tinitignan, si Bamboo na lang.
“So I knew it but in my mind, ipaglalaban ko ito, I will give a good fight, pero alam ko na kung sino ang pipiliin niya.
“No matter how hard I fight, I already knew kung saan siya pupunta kasi si Bamboo lang ang tinitignan niya kahit na kinakausap ko na siya.
It makes the show fun and challenging,” kuwento pa ng The Voice coach.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.