Kiray sa Bashers: Kapag nilait nila ‘ko, talagang gumaganti ako! Ang sarap, e! | Bandera

Kiray sa Bashers: Kapag nilait nila ‘ko, talagang gumaganti ako! Ang sarap, e!

Reggee Bonoan - July 10, 2015 - 03:00 AM

KIRAY CELIS

KIRAY CELIS

“Gusto kong magpabebe kay Tom Taus!” Ito ang tumatawang sabi ni Kiray Celis sa grand launch ng mga programang #ParangNormal Activity at LolaBasyang.Com noong Miyerkules ng gabi handog ng The IdealFirst Company nina direk Jun Lana at Perci Intalan na mapapanood sa TV5.

Natanong kasi ang komedyana kung may boyfriend na siya, “Wala pa po, hindi pa kasi ako pinapayagan ni mama, pero pinu-push ko naman,”saad ng bulilit aktres.

Pinu-push din ni Kiray na mag-guest si Tom sa #Parang Normal Activity. Gusto raw niya ang kapatid ni Antoinette Taus dahil, “Hot siya! Uy, ‘wag n’yo nang isulat! Para magpabebe po ako sa kanya!”

Nagkatawanan ang entertainment press sa sinabi ni Kiray. Hirit pa ng komedyana, hindi niya nakakalimutan si Tom dahil sikat na sikat daw ito noon, “Sabik ang lahat kasi galing siya sa ibang bansa. Di ba sikat siya, si Cedie pa! Sobrang sikat siya, parang puwedeng itapat kay Lola Basyang. Si Cedie, ang prinsipeng tsururut!” humalakhak pang sabi nito.

Samantala, isa si Kiray sa laging bina-bash sa social media dahil sa kanyang itsura. Pero hindi raw siya nagpapadala sa bashers, ilan daw dito ay talagang pinapatulan niya.

“Pag bina-bash nila ako, I do bash them also. Pag sinasabing maliit ako at lalaki nagsabi, sagot ko, ‘pogi ka ba?’ Pag bumalik sa ‘yo, ang sarap, e, pag sila nainis kaysa ikaw ang mainis,” sabi niya.

Wala na pala si Kiray sa youth oriented show ng ABS-CBN na Luv U kaya napunta siya sa #ParangNormal Activity ng TV5 kasama sina Ella Cruz, Nico Nicholas, Eunice Lagunsad, Andrei Garcia, Shaun Salvador at Ryle Paolo Santiago.

Kuwento ni Kiray, “Wala na po, pinapunta po kami sa ibang bansa, ‘yun po ang pinalabas na kuwento, ako po sa Malaysia, ‘yung iba sa Singapore.”

Wala namang sama ng loob si Kiray sa pagkakatanggal sa kanya dahil ganu’n daw talaga ang buhay sa showbiz. Si Kiray ang inaasahan ng pamilya kaya hindi puwedeng mawalan siya ng trabaho.

“Kaya nga po nagpapasalamat ako kay direk Perci, kasi guest lang ako dapat sa #ParangNormal Activity pero ginawa niyang regular, kasi si direk Perci, nakasama ko sa ‘Shake, Rattle And Roll’ last year at natutuwa siya sa akin,” tumatawang sabi ng dalaga.

Wala naman daw hinanakit sa parte niya na hindi siya guaranteed contract sa ABS-CBN, “Hindi naman, pero naiinggit. Ha-hahaha!”

Kuwento pa ng komedyana, “Kung sinumang istasyon na mag-offer sa akin na puwede akong makabili ng bahay, lilipat ako. Sinabi ko ‘yan sa mama ko, it’s not about fame, its about money. Pera-pera na lang ngayon, hindi na ako sa level na gusto kong sumikat, hindi na ako ganu’n. Hindi naman sa malaki na ‘yung ulo ko na feeling ko sikat na ako, hindi ‘yun.

“Pumasok talaga ako para makatulong sa pamilya ko like ‘yun ‘yung una kong rason at iyon pa rin ang rason ko ngayon,” pahayag ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Going back to #ParangNormal Activity, nagkakaisa ang mga kasamahan ni Kiray sa show na siya ang energy ng grupo, maging sa presscon ay laging siya ang agaw-eksena.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending