Young male singer nag-iingay dahil ‘NILALANGAW’ ang album | Bandera

Young male singer nag-iingay dahil ‘NILALANGAW’ ang album

Reggee Bonoan - July 09, 2015 - 02:00 AM

rhap bautista

“Kulang sa pansin, kaya gumawa ng ingay!” Iyan ang komento ng ilang katoto tungkol sa singer na si Rhap Salazar matapos itong mag-post ng mensaheng, “I hate seeing artists lip-syncing on TV” sa kanyang Twitter account kamakailan.

Hindi tinukoy ng batang singer kung sino ang binabanggit na artist na nagkaroon pa raw ng album.
“Hindi kasi matanggap ni Rhap na hindi bumebenta album niya, daig siya ng non-singers na umaabot sa gold at platinum ang album.

Palibhasa wala siyang career kaya bitter,” ang mataray na sabi ng isang entertainment editor.
Oo nga, ano nga ba ang regular show ngayon ni Rhap? Bihira rin naman siyang mapanood sa ASAP20 at wala rin siyang serye o anumang programa sa TV?

Hmmmm, parang nakikinita ko na kung sino ang nag-advise kay Rhap na mag-post ng ganito sa social media para mapansin at mapag-usapan nang husto.

“Sino?” sabay-sabay na tanong sa amin ng mga katoto. Pero hindi ko na sila sinagot. At ang ending, sila na rin ang sumagot sa tanong nila, “Ah, si Jed Madela ba? Kasi di ba, ganyan din ang ginagawa ni Jed kapag naiirita siya, nagpo-post siya sa IG o Twitter ng mga naoobserbahan niya sa music industry kaya napag-uusapan siya?”

Hirit ng mataray na entertainment editor, “E, di ba best of friends sina Jed at Rhap?” Hala, nadagdagan na ang isyu, lagot!

Ang tanong, si Jed nga kaya ang nagturo kay Rhap na mag-post ng maaanghang na komento sa social media tungkol sa mga kasamahan niya sa music industry na bumebenta ang album kahit hindi talaga mga singer?

Hintayin natin baka may gawin siyang paglilinaw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending