JC de Vera itinatago ang bagong dyowa | Bandera

JC de Vera itinatago ang bagong dyowa

Reggee Bonoan |July 07,2015
facebook
share this

JC de Vera itinatago ang bagong dyowa

Reggee Bonoan - July 07, 2015 - 02:00 AM

jc de vera

NASA World Trade Center kami noong Sabado para sa Super Sale Bazaar, doon ay nakita namin ang stall ng The Burgery na pag-aari ni JC de Vera.

At dahil maraming tao roon ay naengganyo kaming bumili na rin sabay upo sa katapat nitong bench, sabi namin sa aming kasama pamilyar ang stall na ito, hindi lang namin matandaan kung saan namin nakita.

Pinaghintay kami ng 15 hanggang 20 minutos ng staff ng The Burgery dahil kailangan daw lutuing mabuti ang burger dahil frozen pa ang gamit nilang beef.

Anyway, naalala na ng kasama namin kung saan namin nakita ang The Burgery dahil may tumabi sa amin customer na kumakain ng inorder niyang crunchy bacon, “Ay, kilala ko ‘yang bacon na ‘yan, kay JC de Vera ‘yan. Reggee, ‘yan ‘yung kinain natin sa Open Kitchen (The Best Kept Recipes of the Stars) sa UP Town Center, remember?”

Sabay sabi ng katabi naming girl na, “Yes, kay JC, nandiyan nga siya, ayun oh (sabay turo)!” Sabay lumabas naman si JC na nginitian namin pero hindi yata kami nakilala.

Napansin naming may kasama siyang non-showbiz girl na laging nakadikit sa kanya, kaya tinanong namin sa kasama namin kung sino ang girlfriend ng aktor.

Ang katabi naming babae ang sumagot ng, “Yung kasama niya, yun ang girlfriend niya.” Ganu’n? Kakahiwalay lang nila ni LJ Reyes, may bago agad? Tumawag kami sa isang katoto at tinanong kung bakit naghiwalay sina JC at LJ sabay kuwento ng nakita namin.

“Naku, ‘yan siguro yung girl na sinasabing nakikitang kasama ni JC na ka-holding hands niya pero ayaw niyang aminin. Sabi lang niya kaibigan lang at wala raw siyang girlfriend,” sagot sa amin.

Kinunan namin nang palihim si JC at ang girl at dahil nakatalikod ay nagpaalam muna kami sa aktor kung puwede siyang piktyuran pero umiling siya. Pansin namin kahawig din ni LJ ang girl.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending