Toni: Pag-nagkaanak kami ok lang sa kanya na lahat magmana, ariin na niya! | Bandera

Toni: Pag-nagkaanak kami ok lang sa kanya na lahat magmana, ariin na niya!

Reggee Bonoan |July 05,2015
facebook
share this

Toni: Pag-nagkaanak kami ok lang sa kanya na lahat magmana, ariin na niya!

Reggee Bonoan - July 05, 2015 - 02:00 AM

paul soriano

Tulad nang naipangako naming kahapon, narito ang karugtong ng unang interview namin kay Toni Gonzaga matapos ang kasal at honeymoon nila ni direk Paul Soriano.

Ikinuwento nga ni Toni na proud sa kanya ang asawa dahil nga napatunayan nito na virgin na virgin ang kanyang wife. “I take pride in myself na si Paul lang ang lalaki sa buhay ko.

“Parang bigla akong tumingin kay Paul, ‘Oy, grabe, ikaw lang ang lalaki sa buhay ko. Puwede kang maglakad kahit saan, ‘Ako lang ang nakaano sa asawa ko,” tumatawang kuwento ni Toni.

Bilang siya na si Mrs. Paul Soriano ay, “Naninibago ako ngayon kasi ako na ‘yung gumigising sa sarili ko. Hindi na ako ginigising ng mommy, ni Daddy. Kasi tandem ‘yan, e, it’s either ‘yung daddy ang gigising o kaya si Mommy.

“Ngayon naman, kung hindi ako gigising, mali-late ako. Kasi hindi naman laging nandoon si Paul, kasi maaga siyang umaalis para sa trabaho. Minsan nandu’n siya, pero kadalasan maaga siyang umaalis for work.

“Gaya kanina, gumising ako nang mas maaga. Actually, maaga rin siyang gumising, pero mas maaga akong tumayo, kasi ako ‘yung naghanda ng lunch. More on brunch kami, e,” sabi pa ng TV host-actress-singer.

Personal na raw inaasikaso ni Toni ang pagkain nila ni direk Paul at ang nadiskubre raw sa kanya ng mister, “Na magaling pala akong magluto. Kasi paborito niya ‘yung pininyahang manok ng mommy ko, ‘yung spaghetti at tinola.

“Kanina (Huwebes ng umaga), gusto nya ‘yung spaghetti kaya ‘yun. Inaral ko naman kasi lahat na ‘yung mga paborito niyang pagkain, nagpaturo na ako sa mommy ko,” kuwento ni Toni.

At dahil sa ganda ng kutis at gandang lalaki ni direk Paul ay tinanong namin kung tinititigan ni Toni ang asawa habang natutulog, “Oo, ang ganda kasi ng mukha niya, di ba? Sabi ko nga kapag nagkaanak kami, sa kanya na lahat magmana, lahat ariin na niya, maski wala sa akin, kasi maganda ang lahi niya!”

Samantala, sa unang linggong pagsasama nina Toni at direk Paul ay naging emosyonal ang una, “Nu’ng first week, nanibago ako. Nagiging emotional ako. Naiiyak ako.

“Katulad niyan, nu’ng isang beses, okey na, kumain na kami, tapos biglang aalis na siya papuntang trabaho. Tapos, nalulungkot ako, mag-isa na lang ako, gusto kong umuwi sa bahay naming,” aniya pa.

As of now ay sa McKinley, Taguig City (condo) nakatira ang bagong kasal, ito ‘yung nasulat namin na pinagdugtong ni direk Paul ang dalawang unit dahil ang dream house nila ay hindi pa nagagawa na ang magdi-disensyo raw ay ang boyfriend ni Zsa Zsa Padilla na si Architect Conrad Onglao, pero sa parehong lugar din.

Tungkol naman sa pre-nuptial agreement, hindi raw ito pinayagang mangyari ni Toni, “Hindi naman kailangan. Parang ang sa akin kapag nag-prenup ako, ang iniisip ko pa rin sarili ko, parang, e, di ba sabi ng Pastor kapag ikinasal kayo, ‘wala ng ikaw, lagi ng tayo, wala ng ako-ako, laging tayo dapat.”

Inamin din ng TV host-actress na malaki na talaga ang naipon niya at marami na rin siyang nabiling ari-arian. “Na-realize ko kung gaano kagaling maghawak ang nanay ko ng mga inipon ko, before the wedding, inilatag niya lahat sa akin, natuwa naman ako, transparent naman kami ng nanay ko pagdating diyan,” say ni Toni.

Hati ba sila ni direk Paul sa mga kinikita nila? “Hindi, suweldo ko, akin lang, suweldo niya akin din. Ha-hahaha! Masyado siyang magastos, tinuturuan ko nga mag-budget.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Since naturuan ako ni mommy Pinty kaya gagawin ko ‘yun, sobrang magastos si Paul, hindi para sa sarili niya, sa iba, masyado siyang generous,” sey pa ni Toni.

At dahil ibinigay na niya kay Alex ang kanyang Savana van, plano niyang bumili ng bagong sasakyan, “Since nakikita ko na ang kinikita ko kaya Hi Ace na lang, e, sabi ni Paul bibilhan niya ako ng bagong van, pareho rin latest model lang.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending