Toni: Pwede niyang ipagmalaki na siya ang nakauna sa akin! | Bandera

Toni: Pwede niyang ipagmalaki na siya ang nakauna sa akin!

Reggee Bonoan |July 04,2015
facebook
share this

Toni: Pwede niyang ipagmalaki na siya ang nakauna sa akin!

Reggee Bonoan - July 04, 2015 - 02:00 AM

toni gonzaga

Sa unang gabi ng honeymoon nina Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga ay wala raw masyadong ganap na nangyari tulad ng naririnig naming kuwento ng bagong kasal na maraming seremonyas o kaya may mga pinapanood muna silang pelikula bago gawin ang ginagawa ng bagong kasal.

Masyadong seryoso si Toni kaya naalangan kami nu’ng una na tanungin kung sinubukan nilang manood ng porn movies kaya pinatanong namin kay katotong Rose Garcia, “Napanood ko na ‘yun (porn movies) nu’ng hayskul ako, nakalusot kami ni Alex.

“Kapag matanda ka na, hindi mo na gusto ‘yun, hindi na kailangan,” kaswal na sabi ng misis ni direk Paul. May mga pasakalye ba muna sila tulad ng napapanood sa pelikula na naghahabulan o nagtataguan, “Ay hindi na, wala ng ganu’n.”

Sa unang gabi nila ay nagkuwentuhan silang mag-asawa pagkatapos nilang gawin iyon, pero ipinagmamalaki ni Toni na proud sa kanya ang asawa dahil pagkatapos may mangyari ay may na-realize ang TV host-actress.

“I take pride in myself na si Paul lang ang lalaki sa buhay ko. Parang bigla akong tumingin kay Paul, ‘Oy, grabe, ikaw lang ang lalaki sa buhay ko. Puwede kang maglakad kahit saan, ‘Ako lang ang nakaano sa asawa ko!” kuwento ni Toni.

At ramdam naman daw niyang masaya nga si direk Paul, “Oo naman. Napagtagumpayan niya. Nakita ko naman kung paano niya ako nirespeto, kung paano ka niya alagaan.

Saka hinintay talaga niya ‘yung ano (tamang panahon),” say ni Toni. Bukas, marami pang ise-share sa inyo si Toni tungkol sa buhay may-asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending