Movie Review: The Breakup Playlist nina Sarah at Piolo maraming paiiyakin | Bandera

Movie Review: The Breakup Playlist nina Sarah at Piolo maraming paiiyakin

Bella Cariaso |July 02,2015
facebook
share this

Movie Review: The Breakup Playlist nina Sarah at Piolo maraming paiiyakin

Bella Cariaso - July 02, 2015 - 06:32 PM

piolo pascual
KAKAIBA ang chemistry nina Sarah Geronimo at Piolo Pascual sa kanilang pelikulang The Breakup Playlist na nagbukas sa mga sinehan noong Hulyo 1. Kikiligin ka at papaiyakin nina Sarah at Piolo at siguradong makakarelate ang mga manonood nito.
Istorya ito nina Gino (Piolo) at Trixie (Sarah), na nagkakilala dahil sa pagiging mahilig sa pagkanta. Miyembro si Gino ng sikat na banda, samantalang si Trixie ay nag-aaral ng abugasya, bagamat hilig niya rin ang pagkanta.
Sinimulan ang pelikula nang magkita muli sina Gino at Trixie tatlong taon matapos silang mag-break para sa isang reunion concert ng banda.
Dito na uminog ang istorya kung saan sa kabila ng pagtutol ng pamilya, nakumbinsi rin ni Gino si Trixie na sumali sa kanyang bagong itinayong banda hanggang sila ay maging mag-on.
Tuwing eksena ng pagliligawan pa lamang nina Gino at Trixie ay talagang kinikilig ang mga nanonood, patunay na bagay din bilang magkapareha sina Sarah at Piolo.
Siyempre dahil nga sa The Breakup Playlist ang pamagat ng pelikula, mapapanood kung bakit naghiwalay sina Gino at Trixie. Grabe ang hugot sa mga eksena sa pagitan nina Piolo at Sarah. Tiyak na papaiyakin ka ng dalawang bida lalu na ni Piolo na talagang umuulan ng luha sa mga eksena nila ni Sarah.
Marami rin aral na ibinibigay ang pelikula, lalu na sa mga magkarelasyon na matutong magpatawad at kung kayo talaga, sa bandang huli ay kayo pa rin.
Dahil sa magandang chemistry nina Sarah at Piolo, hindi kataka-takang magkakaroon din ito ng part 2.
Sa rating na one hanggang five, kung saan five ang pinakamataas, binibigyan ko ito ng four.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending