Enrique laging napagkamalang babae; naka-jackpot na kay Liza | Bandera

Enrique laging napagkamalang babae; naka-jackpot na kay Liza

Reggee Bonoan |July 01,2015
facebook
share this

Enrique laging napagkamalang babae; naka-jackpot na kay Liza

Reggee Bonoan - July 01, 2015 - 02:00 AM

enrique gil
NAALIW kami sa kuwento ng casting agent na nakatrabaho ni Enrique Gil noong hindi pa siya sikat dahil parating napagkakamalang babae ang aktor.

“Ang ganda kasi ng mukha niya, kaya parati siyang nasasabihang gandang babae. Noon modelo palang si Enrique, marami siyang dinaanang audition para sa isang TV ad.

Maraming may gusto sa kanya kaso karamihan hindi bagay sa kanya ‘yung produkto kasi ang ganda at guwapo e, hindi mo naman puwedeng dayain.

“Okay naman si Enrique katrabaho, tahimik, nasa isang sulok at nakatingi lang. Wala naman siyang attitude that time, sumusunod sa call time.

Kaya natutuwa ako kasi kilala na siya, matagal na rin ang ipinaghintay niya, mabait siyang bata, hopefully hindi magbago,” kuwento ng casting agent.

Naririnig din namin na mabait ang ka-loveteam ni Liza Soberano, pero siguro nga, malabo lang ang mga mata ng binata kaya kahit nasasalubong mo na ay hindi ka pa rin nakikilala.

Oo nga, ang tagal nang ipinaghintay ni Enrique sa showbiz, at finally nga ay bumagay na sa kanya si Liza bilang loveteam.
Halos iisa rin ang sabi sa amin ng mga kapamilya at kaibigan namin sa Winnipeg, Toronto, Vancouver, Canada, Milan, Italy at Madrid, Spain sana raw masundan kaagad ang “Just The Way You Are” movie nina Enrique at Liza para magkaroon din ng international screening sa lugar nila.

Oo nga, paging Star Cinema, sana nga may follow-up movie agad for Enrique and Liza habang mainit na mainit pa sila.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending