Young actress magulo ang utak kaya hiniwalayan ng BF na aktor | Bandera

Young actress magulo ang utak kaya hiniwalayan ng BF na aktor

Cristy Fermin |June 30,2015
facebook
share this

Young actress magulo ang utak kaya hiniwalayan ng BF na aktor

Cristy Fermin - June 30, 2015 - 04:00 AM

PINAGPIPISTAHAN sa isang malaking network ang kamalditahan ng isang young actress. Mahirap daw kasing pakibagayan ang kanyang ugali.

Kailangan daw maging manghuhula ang mga taong nakakasama niya sa trabaho para malaman kung ano ang lagay ng kanyang mood sa kasalukuyang panahon.

Kailangang sa kanya manggaling ang magiging reaksiyon ng kanyang mga kasama. Kapag hindi siya kumikibo, ibig sabihin ay hindi maganda ang kanyang mood, kaya tahimik lang ang kapaligiran.

Pero kapag pagbaba pa lang niya ng van ay nakangiti na siya at bumabati, ibig sabihi’y maaliwalas ang kanyang mood, nakikipagkuwentuhan siya sa kanyang mga kasamahan.

“Mahirap ispilengin ang ugali ng batang ‘yun! Napakaaga niyang tatanda! Para kasing pasan niya ang daigdig sa araw-araw, hindi siya marunong magdala ng problema, idinadamay niya pati ang work niya sa mood niya!

“Kung nagsasawa na siya sa routine ng buhay niya, bakit hindi na lang muna siya magpahinga? Naiintindihan naman ng marami ang pagiging burnout na ng mga artista, e.
“Kung sa sawang-sawa na siya sa trabahong pare-pareho lang ang dating, e, ano’ng magagawa natin? Di magpahinga na lang muna siya!” madiing reaksiyon ng aming source.

Sa isang usapang lalaki sa lalaki ay naging malaking problema rin pala ‘yun ng ex ng young actress, naglabas ng sama ng loob ang young actor sa kanyang kaibigan, hirap na hirap na rin ito sa ugali ng female personality.

“Isa ‘yun sa mga reasons kung bakit sila nag-break, hirap na ring makisama ang lalaki sa girl, depende sa lagay ng panahon ang kalalabasan ng maghapon nila bilang magkarelasyon.

“Kapag wala sa mood ang girl, hindi siya kinakausap. Kapag maganda naman ang mood, kinukulit siya nang kinukulit. Mahirap nga naman ang ganu’n, hindi naman manghuhula ang boyfriend niya para malaman kung ano ang magiging takbo ng mood niya sa maghapon.

“Dati kasi, e, kinikimkim niya ang lahat ng emosyon niya, kaya nang kumawala, naging ganyan na siya,” napapailing pang clue ng aming impormante.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending