Derek, Dennis maglalaban para sa life story ng pinatay na car racer | Bandera

Derek, Dennis maglalaban para sa life story ng pinatay na car racer

Reggee Bonoan - June 26, 2015 - 03:00 AM

DEREK RAMSAY AT DENNIS TRILLO

DEREK RAMSAY AT DENNIS TRILLO

ANO kaya ang totoo, gagawa nga ba ng pelikula si Derek Ramsay tungkol sa buhay ng namatay na car racer na si Enzo Pastor o hindi?

Naitanong namin ito dahil na-post ng Top Gear Philippines na isasapelikula ni Derek ang buhay ni Enzo na produced ng isang independent producer na nangangalang Anna Bautista Linatoc mula sa ABL Company.

Ayon sa Top Gear ay sumulat sa kanila si Ms. Linatoc informing them na nakatakdang mag-shoot na si Derek nitong Hulyo ng pelikula na ipalalabas naman sa Oktubre ngayong taon.

Makakasama raw ni Derek sina Jodi Sta. Maria bilang asawang si Dahlia Pastor habang si Zanjoe Marudo naman ang gaganap bilang si Sandy de Guzman na sinasabing kalaguyo ng asawa ni Enzo.

Ayon pa sa ulat, kasalukuyang may kaso pa ang pagkamatay ni Enzo kaya ang magiging takbo ng istorya ay tungkol lamang sa love triangle na sinasabing naging dahilan kaya namatay ang sikat na car racer. Ang nabalitaan namin, iibahin din ang mga pangalan ng mga taong sangkot sa kuwento.

Tinawagan ng Top Gear ang miyembro ng pamilya Pastor at nabanggit nga na may offer sa kanila pero under negotiations pa.

“We thought the character based on Sandy would be played by Dennis Trillo,” ayon sa isang member ng pamilya.

“Our lawyers will review the script. We specifically told the director that we want Enzo’s life to be honored–that when his children watch the movie one day, they will feel proud of their father,” pahayag pa ng nakausap ng Top Gear.

Kung magkakaayos ay “The Race” o “The Haste” ang titulo ng pelikula.

Naisip namin na kaya siguro napunta na sa car racing ang bagong hobby ngayon ni Derek ay bilang paghahanda na rin sa bago niyang papel sa pelikula.

Sabi naman ng handler ni Derek, “According po to sir Jojie (Dingcong, manager ng Kapatid actor), interested lang po gawin, need po muna makita ang storyline.”

Sa madaling salita, hindi pa siguradong gagawin ng aktor ang nasabing pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tinanong din namin ang handler ni Zanjoe Marudo tungkol dito, “Ay wala pa pong nag-o-offer at walang inquiry pa.”
Nagtanong din kami sa handler ni Jodi Sta. Maria pero hindi pa kami sinasagot habang isinusulat namin ang item na ito, sa pakiwari namin ay parang malabo ring gawin ito ng aktres dahil busy siya sa taping ng Pangako Sa ‘Yo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending