Buking na: Kilalang aktres ginagamit ni baguhang aktor para magkatrabaho
MUKHANG totoo nga ang tsikang user-friendly (read: manggagamit) ang isang baguhang aktor dahil kung sino ang sikat ngayon ay doon siya didikit, bukod pa riyan ay mahilig din itong mag-namedrop.
Katsikahan namin ang isang TV executive at biglang napadaan sa harap namin ang wannabe actor para bumati sa kanya at dahil hindi naman niya kami kilala kaya hindi kami pinansin at keber din naman namin.
Biglang nagsabi ang TV executive ng, “Hindi ka kilala?” at umiling kami. Dito na nagkuwento ang TV executive, “Actually, naalibadbaran nga ako diyan, user-friendly ang lolo, palibhasa ineendorso siya ni _____ (sikat na aktres) na tumutulong sa kanya kaya feeling niya ang galing-galing niya, e, waley naman.
“Nu’ng minsan nagtanong kung bakit wala siyang project, sana raw makasama siya, kasi tinatanong nga raw siya ni ____ (sikat na aktres) kung anong project niya, sabi niya hindi raw siya binibigyan.
“Hello, sabihin mo ba ‘yun, ano, nagsusumbong ka? E, sana naisip niya muna kung bakit wala siyang project? Sana naisip muna niya kung bakit hindi siya kinukuha?
“Tapos heto na, nagkita-kita sina ____ (isa pang TV executive at sikat na aktres) at napag-usapan ang project na gagawin niya soon, tapos biglang nabanggit nga itong si _____ (newcomer actor) na isingit siya sa project kasi breadwinner daw.
“Walang nagawa ang mga bossing kasi naglambing ang lola mo, so hayun naisingit sa isang TV project na waley lang, masabi lang na nandoon siya! Ha-hahaha! Kalurkey, di ba?” kuwento sa amin.
Napa-ohhh na lang kami. Kaya pala minsan nakita namin sa isang eksena si wannabe actor na alalay lang yata ang papel. Well, pagbutihin na lang niya ang trabaho niya para naman hindi mapahiya ang sikat na aktres na “ninang” niya sa showbiz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.