Liza binubuhay ang pamilya; mga magulang botong-boto kay Enrique | Bandera

Liza binubuhay ang pamilya; mga magulang botong-boto kay Enrique

Reggee Bonoan - June 21, 2015 - 02:00 AM

enrique gil

Pagkalipas ng pitong taon ay muling nagkita sina Liza Soberano at ang mama niyang naiwan sa Amerika kasama ang ibang kapatid ng batang aktres.

Matatandaang umuwi ng Pilipinas si Liza pitong taon na ang nakararaan kasama ang amang Pinoy para mag-artista dito sa Pilipinas na matagal na niyang pangarap.

Hindi naman ikinaila ng batang aktres na breadwinner siya ng pamilya kaya nagsisikap siyang mabuti para maabot ang mga pangarap niya at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang family.

At nangako nga ito na kapag nakaipon siya ay bibili siya ng dalawang bahay para sa nanay at tatay niya at isang condo para naman sa kanyang sarili.

Dahil sa international screening ng pelikulang “Just The Way You Are” sa San Francisco California na gaganapin sa Great America Amusement Park Auditorium ay muling nakita ni Liza ang pinakamamahal na ina na isa sa sumalubong sa kanya sa airport. Talagang nag-iyakan ang mga ito nang magkita sila.

Nakita namin sa ipinadalang video sa ABS-CBN na niyakap din ng mommy ni Liza ang leading man niyang si Enrique Gil. Patunay na tanggap na tanggap na ng parents ni Liza ang binata.

Samantala, naghihiyawan naman ang supporters ni Liza na sumalubong sa kanya sa San Francisco base sa ipinakitang video ng ABS-CBN.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending