Wattpad, Baker King, Happy Wife ng TV5 lumalaban sa ratings game | Bandera

Wattpad, Baker King, Happy Wife ng TV5 lumalaban sa ratings game

Reggee Bonoan - June 17, 2015 - 02:00 AM

tv5

NASULAT namin sa mga pahinang ito kamakailan na matsutsugi na ang entertainment talkshow ng TV5 na Showbiz Konek Na Konek, ito’y base na rin sa nagbalita sa aming staff ng programa.

Ayon sa aming source, magkakaroon daw kasi ng season break ang show sila at hindi nila sigurado kung meron pa itong season 2.May isa namang taga-TV5 ang nagsabi sa amin na babalik pa rin ang show pero depende kung ia-approve ng TV5 management dahil mababa nga raw ang nakukuha nitong rating.

Inalam namin ito sa business unit head ng nasabing talk show na si Marj Natividad, at sabi niya sa amin, “Sinong maysabi? May season two kami at wala kaming season break, tuluy-tuloy ang show.”

Dugtong pa niya, “Baka ‘yang nagsabi sa ‘yo ang may break at hindi na siya kasama sa season 2.” Sabi namin kay Ms. Marj bakit naman tatanggalin agad ang staff na nagkuwento sa amin, hindi ba pwedeng imbestigahan muna nila dahil kawawa naman yung tao at mawawalan ng trabaho?

“E , ang daldal niya. Huwag siyang magsasabi ng mali dahil ako ang nakakaalam kung may season two o wala ang show namin,” ganting sabi sa amin ng aming kausap.

Pero binawi naman niya agad ito, sabay sabing hindi naman sila basta-basta nagtatanggal ng staff. Diretso rin naming tinanong ang executive ng TV5 kung kumusta talaga ang rating nila at may sponsors pa ba ang Showbiz Konek Na Konek.

Diretso naman ang naging sagot niya sa amin,“Siyempre mahirap kasi sa umaga at ang katapat namin ay pelikula, so ano ang mae-expect mo.”

Pero aniya, sa kabila nito, magkakaroon pa rin sila ng season 2. Samantala, hindi naman itinanggi ng TV5 executive na totoong malakas ngayon (nagtu-two digits) ang mga programang Wattpad, Baker King at ang Happy Wife Happy Life na balitang magkakaroon din ng season 3.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending