Kris: Wala kaming relasyon ni James, di rin kami nagde-date! | Bandera

Kris: Wala kaming relasyon ni James, di rin kami nagde-date!

Reggee Bonoan - June 16, 2015 - 02:00 AM

james younghusband

NALI-LINK si Kris Aquino kay James Younghusband. Nagulat ang TV host-actress dahil hindi naman daw sila nagkikita at nagkakausap ng nasabing Azkals player.

“May girlfriend ‘yun, Reggee at hindi kami nagdi-date,” mensahe ni Kris sa amin.Dagdag pa niya, “Si Phil ang friend namin, nag-tape si Bimb ng learning football with him, then we watched the Azkals (football game) because he invited us and before. Sa Brent, football and swimming ang sports ni Bimb.”

Maya-maya ay tumawag na sa amin si Kris para mas mabilis daw ang pag-uusap dahil napapa-make-up siya para sa taping ng Kris TV kahapon sa UP Town Center.

Marahil ay napagkamalang si James si Phil na kaibigan ng mag-inang Kris at Bimby simula nang turuan nito ang huli sa paglalaro ng football.

“Nakakatawa naman ‘yan, Reggs, hindi nga kami nagkikita at hindi ko rin nakakausap si James. Ha-hahaha! Tine-train kasi ni Phil si Bimb to be a goal keeper kasi iyon daw ang magiging role ni Bimb kapag itinuloy niya ang football.

“Sabi ko nga kay Bimby while watching the game na natatamaan ang ilong, nagkakasakitan, sabi, ‘Oh my God, you’re not going to join footbal, sayang ang mukha mo, pagkakakitaan pa natin ‘yan.’

“E, sabi naman ni Phil na goal keeper si Bimb so hindi niya need makipagsipaan, kasi nga matangkad siya. Ang height ng goal keeper kasi ay 6’4″ so feeling ko naman kayang abutin ni Bimb ‘yun, kasi matangkad na siya now for his age,” paliwanag pa ng TV host-actress sa amin.

Pareho lang naman ang basketball at football na nagkakaroon ng aksidente o nagkakasakitan, “Pero mas grabe ang football Reggs,” hirit ni Kris sa amin. “Kasi sipa ka nang sipa, so hindi mo kontrolado kasi paa unlike sa basketball, kamay lang, aagawin mo ‘yung bola tapos tatakbo ka nang tatakbo, mas grabe ang football.”

Tinext daw ni Kris si Phil habang nasa Qatar tungkol sa isyu nila ni James, “Nagulat nga siya kasi di ba, hindi naman si James ang kasama namin ni Bimb, nagpaalam nga ako kung puwede ko siya i-text kasi may laban sila, mali pa nga ako, nasabi ko,

‘You’re rehearsing ba?’ Sinagot ako ng, ‘No practicing.’ E, kasi di ba sa atin (showbiz) ang term rehearsing, e, practicing naman sa kanila. Ha-hahaha!” sabi pa ni Kris.

Magse-celebrate ang Kris TV ng ikaapat nitong anibersaryo sa Vietnam, “Nakakaloka nga, ginulat ako ng staff, agad-agad lilipad na kami for Vietnam this Saturday (June 20) for our anniversary kaya heto need ko pa magpagaling kasi may allergy ako.

“I have to take antihistamine for my allergy, ang dami-dami kong iniinom kaya my brain is not functioning well na,” kuwento ni Kris sa amin.

Sabi pa, “Nakuha ko itong allergy siguro when we watched the football game, kasi di ba open air ‘yung auditorium, e, tapos may ginagawa pa roon so siguro may mga something na nakagat ako.

Or sa kasal nina Toni (Gonzaga) at Paul (Soriano) kasi naglagay ng wide carpet, e, may allergy ako sa ganu’n.“Tinanong kasi ako ng doctor ko kung anong ginawa ko at saan ako nagpunta within 48 hours, so sinabi ko nga ‘yun, sabi niya na posibleng doon ko nakuha ang allergy ko mula sa leeg hanggang binti pati sa braso ko.

Doon ko lang nalaman na kapag nagka-allergy ka sa mouth at namaga ang eyes mo, nakuha mo iyon sa kinain mo, pero kung sa parts ng body mo, sa pinuntahan mo or nakagat ka. Kaya either sa game o sa kasal nina Toni at Paul ko nakuha.

Sinamantala na rin naming nasa mood si Kris kaya tinanong namin ang balitang dinadalaw daw siya ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa bahay nila at nagpapagawa pa raw ng bahay na malapit sa house nila, “Hello, kelan daw? Wala naman sa bansa si HB? Nasa States siya since June 6 for convention and something-something.

“At hindi kami nagkikita, sa totoo lang. Kung nag-uusap kami through text ay dahil may movie kami, pero never kami nagkita at saka professional ang pag-uusap namin.

“At isa pang reason bakit kami nag-uusap ay dahil kinuha siya ng ABS-CBN na maging co-host ko sa Kris TV for live episode. “Yes, Reggee, magla-live na ang Kris TV kasi we’ll gonna start shooting na ng movie on the 28th (June), ‘yung ‘Etiquette For Mistresses’, kaya live na kami sa studio, tapos taping lang ng isang araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Every other Sunday na lang ang day-off ko,” kuwento ni Kris. Ano nang nangyari kay Ramon Bautista bilang co-host ni Kris sa morning show niya? “Hindi kasi niya kaya mag-live at hirap siya sa schedules, kaya si HB na ang co-host ko, that’s management decision,” paliwanag sa amin.

At tungkol naman sa ipinagagawang bahay daw ni Bistek malapit sa kanila, “Nakakaloka, it’s not his bahay, it’s the Quezon City Office na katapat ng subdivision namin, biniro ko nga na, ‘Gusto mo lang mapalapit sa akin, eh!’ But seriously, hindi bahay ‘yun kundi opisina and I think, halos lahat ng district ay may sariling opisina, since nasa District 3 kami, so ganu’n nga,” kuwento pa ng TV host-actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending