Mariel kay Robin: Ayoko siyang ma-bad trip... ang sama ko naman kung aawayin ko siya! | Bandera

Mariel kay Robin: Ayoko siyang ma-bad trip… ang sama ko naman kung aawayin ko siya!

Reggee Bonoan - June 15, 2015 - 02:00 AM

robin padilla

GAGAWA ng pelikula si Robin Padilla kasama ang Japanese porn star na si Maria Ozawa. Pero mukhang hindi pa nai-inform ng action star ang asawang si Mariel Rodriguez tungkol dito.

Isa kasi ito sa mga naitanong kay Mariel nang makausap namin sa set ng Happy Wife Happy Life ng TV5, “Alam mo, hindi ko alam, sa Facebook at Instagram ko lang nalaman, si Maria Ozawa raw, porn star, nakakaloka! Hindi naman kasi namin pinag-uusapan (ni Robin) ang mga ganu’n.

“Alam ko lang may movie siya, pero hindi naman namin napag-usapan ‘yung casting, hindi ko naman alam, kahit ngayon hindi namin napag-uusapan o hindi ako nagtatanong,” kuwento ng asawa ng aktor.

Siniguro naman ni Mariel na wala siyang inililihim sa asawa, “Ako lahat kinukuwento ko, ako pa? Pati kinain ko, lahat, pati pag may nakita akong pusa, kinukuwento ko lahat.

Siya hindi ganu’n so hindi namin napag-uusapan. At saka hindi naman gagawa si Robin ng porn, respected actor naman siya, di ba? “Alam ko horror film ‘yun, sa rami nga ng script na dumarating sa bahay, minsan pinababasa niya sa akin, so binabasa ko naman, tapos magugulat ako, ‘Sh***t, horror ba ‘to?’ Sabi niya, ‘oo’.

Naku, hindi ko na binabasa.“Takot ako sa horror, hindi ako nanonood talaga, ito na lang huli kasi sila Robin mahilig silang takutin ang mga sarili nila, ako hindi, napapanaginipan ko kasi, naiisip ko ‘yun.

Pero ayoko talaga, nakaganito ako (nakatakip ang mukha).”  Baka raw akitin si Robin ni Maria Ozawa at bigla silang mag-away dahil dito? “Sabi ko nga, pangit naman kung ganu’n ang outlook ko sa movie nila, parang right away, ginawa na nating nega, hindi na natin binigyan ng chance ‘yung movie nila, dapat hindi ganu’n.

“Saka ang pinanghahawakan ko is may pag-uusap kami ni Robin (bago ikasal), at wala naman siyang ginawa para i-violate ‘yun, so bakit ko siya pagdududahan, bakit ko siya bibigyan ng stress, imbes na suportahan ko siya sa movie niya. Ang sama ko namang tao,” katwiran ni Mariel.

Dagdag pa ng TV host, kapag hindi sila magkasama ng asawa ay hindi niya ito tinatanong-tanong ng kung anu-ano dahil gusto nitong mag-enjoy sa bakasyon niya, “Hindi ko siya tine-text ng kung anu-ano, o yung tungkol kay Maria Ozawa, e, di na-bad trip pa sa akin ‘yun.”

Sumunod na si Mariel kay Binoe sa Spain para sa ilang linggong bakasyon. Sa Hulyo 23 raw babalik si Mariel ng Pilipinas.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending