Derek masama ang loob, anak ayaw ipakita ng ex-dyowa | Bandera

Derek masama ang loob, anak ayaw ipakita ng ex-dyowa

Reggee Bonoan - June 13, 2015 - 02:00 AM

derek ramsay

Speaking of TV5 trade launch, nakita namin si Derek Ramsay sa isang tabi ng venue na parang pagod na pagod pero nang makita niya kami ay pinilit naman niyang ngumiti at nag-hi pa.
Tinanong namin kung bakit low batt na siya, “Pagod lang,” nakangiting sagot sa amin ng TV host-actor. Kumusta naman siya nga-yon na mukhang tahimik ang buhay dahil wala ng isyu sa kanya? “Heto, launching ng Happy Truck Ng Bayan, so far okay naman. Last taping day (kahapon) na namin sa Mac & Chiz,” sabi sa amin.

Dalawang season lang pala ang Mac & Chiz nina Derek at Empoy, sabi namin, magtatapos na pala ang sitcom nila pero hindi man lang naging maingay, ngumiti lang ang guwapong aktor.

Tatlo ang programa niya sa TV5 ngayon, ang bagong Happy Truck Ng Bayan, Extreme Series, Mac & Chiz na papalitan daw ng serye nila ni Gelli de Belen.

May pelikula ring gagawin ang aktor kasama si Coleen Garcia mula sa Star Cinema, “We had look test, tapos picture-picture, workshop, then we’ll gonna start shooting na next week,” sabi ng aktor.

Ang sinasabing pelikula ni Derek ay ang “Ex With Benefits”, pinalitan niya rito si Sam Milby na natanggal sa pelikula dahil nga kailangan nitong magpunta sa Amerika.

Nakita naman namin ang post ni Derek sa kanyang Instagram account kasama ang anak na si Austin noong kaarawan ng bata at nabanggit ng aktor na sobrang nami-miss na niya ang anak.

Nag-iba ang facial expression ni Derek at umiling lang kaya tinanong namin kung bakit, “Hindi kami nagkikita, hindi ko nakikita, nasa Dubai sila (mag-ina).

“I was in Dubai recently, trying to call them, texting them, pero hindi ako sinasagot kaya nakakalungkot,” sabi sa amin. Pinayuhan namin na bakit hindi niya pinuntahan sa school o sa bahay nito ang kanyang anak.

“I don’t know saan sila nakatira, I know the school kasi ako ang nagpapaaral sa kanya kaya lang baka isipin nanggugulo ako pag pi-nuntahan ko, ayokong magkagulo, ayokong madamay ang anak ko,” paliwanag ni Derek.

Naawa kami para kay Derek dahil alam namin ang pakiramdam ng isang magulang na sobrang miss na miss na ang anak, “Ni hindi nga kami nagkausap since bumalik sila ng Dubai,” hirit pa ng aktor.

“Sabi ko na, eh, tama ang kutob ko, naisip ko naman talaga na pagkatapos naming magkasundo at ibigay ko ‘yung para sa anak ko, hindi na kami magkikita, hindi na makikipagkita,” kuwento pa ni Derek.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending