Juday mahigit 2 buwang buntis; Ryan nag-celebrate sa Eat Bulaga | Bandera

Juday mahigit 2 buwang buntis; Ryan nag-celebrate sa Eat Bulaga

Reggee Bonoan - June 11, 2015 - 02:00 AM

judy ann santos

“JUNE 10, 2015, 10:24AM — POSITIVE!” Ito ang post ni Judy Ann Santos sa kanyang @officialJuday Instagram account kahapon.

Kinumpirma rin ito ng asawang si Ryan Agoncillo sa programang Eat Bulaga kahapon habang hawak ang litrato ng ultrasound test ng kanyang misis.

Matatandaang nagsabi si Juday sa presscon noon ng reality show na I Do na gusto pa nila ng asawang si Ryan ng isa pang anak bago siya tumuntong ng edad na 40.

Kaya naman nang lumabas ang resultang buntis nga ang aktres ay labis-labis ang tuwa ng mag-asawa kasama na ang kanilang mga pamilya, mga kaibigan at katrabaho.

Matatandaang ilang linggo ng nababalitang buntis si Budaday pero walang kumpirmasyon at kahapon lang ito inamin ng dalawa. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit hindi na tinanggap ni Juday ang pelikulang “Etiquette Of Mistresses” dahil nga buntis siya.

Nagtanong naman kami sa Dreamscape Entertainment kung tuloy pa rin ang taping ng seryeng Someone To Watch Over Me ngayong Hulyo o Agosto na pagsasamahan nina Juday at Richard Yap pero hindi pa kami sinasagot hanggang matapos naming tipahin ang balitang ito.

Tinext din namin ang manager ng aktres na si tito Alfie Lorenzo kung tuloy pa rin ng serye ng kanyang alaga kasama si Ser Chief pero hindi pa rin niya kami binabalikan.

Hmmmm, baka naman may meeting pang nagaganap sa pagitan ni Juday at ng mga bossing ng Dreamscape kaya hindi pa nila kami masagot kahapon?

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending