Coco puring-puri ni Arjo: Hindi siya maramot, walang kaere-ere! | Bandera

Coco puring-puri ni Arjo: Hindi siya maramot, walang kaere-ere!

Reggee Bonoan - June 09, 2015 - 02:00 AM

coco martin

Akala ni Sylvia Sanchez ay ligtas na sila sa Osaka, Japan dahil malayo naman sila sa Tokyo kung saan lumindol ng 8.5 magnitude dalawang linggo na ang nakararaan.

Pero tatlong araw bago sila umuwi ay nakaramdam din sila ng pagyanig, “Habang nasa outlet kami, malapit sa airport, lumindol din, sabi ko, bakit parang nahihilo ako, tapos nakita ko ‘yung mga chandelier, gumagalaw kaya sabi ko, ay lumilindol.

“Pero ‘yung mga tagaroon, parang normal na lang kasi diretso pa rin ang lakad nila, kami lang ng mga anak ko ang natigilan. Siguro mga intensity 4 o 5 ‘yun, hindi katulad sa Tokyo na nag 8.5 ba ‘yun?

“Nu’ng lumindol sa Tokyo hindi namin naramdaman talaga, pero nitong malapit na kaming umuwi, lumindol ng konti,” kuwento ng aktres sa kabilang linya.

Dumating na ang pamilya Atayde noong Biyernes ng gabi at dahil sa balitang magkakaroon ng Big One rito sa bansa ay nanalangin siyang hindi na sana matuloy lalo’t ang subdibisyon kung saan sila nakatira ngayon ay kasama sa faultline.

Samantala, natatawang kuwento ng aktres, habang nasa Japan sila ay pinauuwi na sila ng panganay niyang anak na si Arjo Atayde dahil iniwan nilang mag-isa ito sa bahay.

“Panay nga ang text, araw-araw at nami-miss na raw kami at pinauuwi na kami. Totoo nga ‘yung sabi mo, nalulungkot kasi pag-uwi ng bahay wala siyang makausap.

Kaya naman pag-uwi namin, hayun walang tigil sa kakakuwento kung anong nangyari sa taping nila ni Coco Martin,” natatawang kuwento pa ng aktres.

Nagsimula na kasing mag-taping si Arjo para sa seryeng Ang Probinsiyano kaya hindi siya nakasama sa bonding ng pamilya sa Japan.

“Grabe Reggee, sobrang ipinagmamalaki ni Arjo si Coco, sobrang bait, sobrang galing makisama, sobrang galing umarte at nagbibigay daw pag eksena na nila. Sina Arjo at Coco raw ang laging magkaeksena.

Di ba may mga bida, gusto nila sila dapat ‘yung aangat, si Coco raw hindi ganu’n, gusto niya lahat aangat. “Overwhelmed nga raw si Arjo kasi nakakausap niya si Coco na walang kaere-ere na maski sikat na, hindi raw nariringgan ng yabang, kaya sabi ko nga, ‘oo, naririnig ko nga na mabait si Coco.’ Tapos sobrang mesmerized din daw siya kay Ms. Susan Roces kasi nakakausap niya rin at talagang ang bait at maraming kuwento.

“Kaya sabi ko nga sa anak ko, pagbutihin niya kasi mga batikang artista na ‘yung nakakasama niya. Masaya ako, para kay Arjo kasi pangarap niya talaga ‘yan, ang makatrabaho ang mga magagaling,” kuwento pa ni Ibyang.

Samantala, tinanong kami ni Sylvia kung napapanood namin ang Pangako Sa ‘Yo dahil habang nasa Japan daw sila ay maraming nagte-text at pinupuri ang acting nilang lahat, kasama sina Jodi Sta. Maria, Angelica Panganiban at Ian Veneracion.

Marami rin daw ang nag-react nang mamatay siya sa istorya ng PSY, “Special participation lang naman ako, hindi naman ako talaga regular doon,” paliwanag sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At dahil hindi pa napanood ng aktres ang PSY ay magkukulong daw siya sa kuwarto para panoorin ito, “Pina-record ko naman yung ilang episodes kaya mapapanood ko.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending