Hiling ni Kris para kay Bimby dinedma ni Daniel: Sayang naman! | Bandera

Hiling ni Kris para kay Bimby dinedma ni Daniel: Sayang naman!

Reggee Bonoan |June 08,2015
facebook
share this

Hiling ni Kris para kay Bimby dinedma ni Daniel: Sayang naman!

Reggee Bonoan - June 08, 2015 - 02:00 AM

kris aquino

“Sayang!” Ito ang nasabi ni Kris Aquino nang i-text namin kahapon para kunan ng reaksyon sa sinabi ni Daniel Padilla na hindi niya papayagang mag-showbiz ngayon ang bunso niyang kapatid na si Carmela para maging partner ni Bimby Aquino Yap sa susunod nitong pelikula.

Matatandaang nanawagan ang Queen of all Media sa Kris TV kay Daniel na payagan nitong mag-showbiz si Carmela para may ka-loveteam si Bimby, dahil posibleng ang mga bagets ang sumunod sa yapak ng KathNiel.

Pero hindi pinagbigyan ni DJ ang hiling ni Tetay dahil sinabi nitong pag-aaral muna ang priority ng mga kapatid niya. Si Daniel daw kasi ang nagdedesisyon pagdating sa mga kapatid nito, ayon sa nanay nitong si Karla Estrada.

Samantala, bukas pa ang dating nina Kris kasama sina Josh at Bimby galing Osaka,J apan kung saan nag-celebrate ng kaarawan ang panganay ni Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending