Luis: Pag tumakbo ako sa 2016, magpapahinga na ako sa Showbiz! | Bandera

Luis: Pag tumakbo ako sa 2016, magpapahinga na ako sa Showbiz!

Reggee Bonoan - June 08, 2015 - 02:00 AM

luis manzano

Kung si Lea Salonga ay gustong kumanta sa kasal nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, si Gary Valenciano naman ang napili ni Luis Manzano na maging wedding singer kung ikakasal na sila ng girlfriend niyang si Angel Locsin.

Natanong kasi si Luis kung type rin niyang si Lea ang kumanta sa kasal nila ni Angel at binanggit nga niyang si Mr. Pure Energy na ang napili niya, “Napag-usapan na namin na si tito Gary ang kakanta, Hagibis para romantic (biro ng aktor)!

“Si tito Gary talaga nakausap na namin nu’ng nag-ASAP sa Dubai saka eversince sinabi ko na, ‘tito Gary I want you to sing when I get married’, sabi niya, ‘anong song?’ Sabi ko, ‘Hataw Na’!” biro uli ng aktor.

Hindi naman ikinaila ni Luis na napag-uusapan na talaga nila ni Angel ang ilang bagay tungkol sa kasal nila dahil nga hindi na naman sila mga bata, “May mga napag-usapan na rin kami kung saan kami titira after, so ‘yun, ganu’n kami kaseryoso at nalalatag na namin iyon,” kuwento ng TV host-actor.

Sa tanong namin kung sa bahay ba nina Angel sila titira dahil ipinagawa na ito ng aktres kamakailan, “Pina-extend lang niya ‘yung bahay niya, same house pa rin, para sa pamilya niya, para sa kapatid niya, but still the same house, parang major renovation,” paliwanag ni Luis.

Hindi pa masagot ni Luis kung kailan ang eksaktong petsa at taon siya magpo-propose dahil sa ngayon ay pareho pa silang busy ni Angel, “Napag-uusapan na namin, nagkakataon lang na I have so much things to do lalo na siya mas magiging busy pa sa akin this coming year.

“So the thought is there, the intention is there but were taking our time to finish our commitments as individuals muna,” aniya pa.
At natanong si Luis tungkol sa plano nitong pagpasok sa pulitika dahil hanggang ngayon ay wala pa siyang sagot, “Kapag na-prioritize ko ang ABS, I will have to step back, pag nag-decide na talaga ako na yes and I want to serve, kailangan kong magpahinga sa showbiz, well at least very minimal work.”

Isa si Luis sa may magandang ngipin sa mga artista pero ang hindi natin alam ay may problema rin siya dahil parati siyang nangingilo at nalaman niya na isa sa dahilan ay ang madalas niyang pag-inom ng kape at tsaa.

And I also used to be a hard brusher, so ‘yung enamel numipis na, so I realized na medyo may problema.” “Am sure lahat tayo naranasan ‘yan, may aray so that’s the time na I learned I have sensitive tooth thru my dentist and he recommended me Sensodyn.

I’ve been with them for the past year and we strengthen our commitment. Hindi kailangan magtiis, there is a way to cure the teeth,” paliwanag ng aktor.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending