Edgar Allan hiyang-hiya, nag-sorry kay Maxene | Bandera

Edgar Allan hiyang-hiya, nag-sorry kay Maxene

Reggee Bonoan - June 05, 2015 - 03:00 AM

MAXENE MAGALONA AT EDGAR ALLAN GUZMAN

MAXENE MAGALONA AT EDGAR ALLAN GUZMAN

Dahil sa nabuong love team nina Edgar Allan Guzman at Maxene Magalona sa Your Face Sounds Familiar ay nagkaroon ng isyu sa girlfriend ng aktor na si Shaira Mae na leading lady naman ni Mark Neumann sa Baker King ng TV5.

Nabanggit daw ni Shaira sa isang panayam na nagagamit siya dahil sa loveteam nina Edgar at Maxene sa YFSF.

Ani Edgar, “Actually, nag-sorry ako nang personal kay Maxene. At nagso-sorry din ako kay Ms. Pia (Magalona) dahil nadawit ang pangalan nila sa promo ng show sa kabila (TV5).”

Kaya ang ending time-out muna ang relasyon nina Edgar at Shaira, “Ako, I stopped na. Ako, never akong nagsalita about sa shows nila doon, sa kanya, about sa loveteam nila. Now, gusto ko lang muna ng tahimik.

“Pag-usapan na lang po yung mga magagandang nangyayari sa akin, like yung mga naka-lineup sa akin na bagong shows.

Nagkausap naman kami (ni Shaira Mae). Ayaw ko lang mandamay pa ng ibang tao. Gusto ko lang ng tahimik. Kumbaga, ayaw ko lang din maging mayabang, na ginagamit ko ang show ng kabila,” say ng binata.

Karera muna ang focus ni Edgar ngayon, “Time out lang po muna sa usaping lovelife. Ayaw ko lang po muna pag-usapan, ayaw ko lang na may masaktan na ibang tao, kasi nakakahiya, e.

“Siya may loveteam, ako rin naman may bini-buildup. Ako, work talaga, hindi nagsasapawan kami. Propesyonal naman kami,” katwiran ni EA.

Sobrang blessed daw ang aktor nang lumipat siya sa ABS-CBN na matagal na niyang gustong gawin, pero hindi niya nagawa noon dahil nakakontrata siya sa TV5 ng tatlong taon kaya nu’ng natapos ay saka sila nagdesisyon ng manager niya na lumipat na.

“Nu’ng lumipat po kasi ako sa ABS, gusto ko lang mag-ASAP tapos gusto kong mag-MMK at magkaroon ng teleserye, tapos sinabi po ni sir Noel (Ferrer, manager niya) na, ‘I-try muna natin sa Your Face.’ Sabi ko naman, parang nag-doubt ako sa sarili ko na parang wala naman akong pera para gastusan ‘yung text kasi wala naman talagang pondo.

“Tapos sabi nga ng manager ko, ‘I-try mo ‘yung Your Face para makita ng mga tao at makapag-ASAP ka, maging regular ka, kaya heto po, positive naman lahat ng nangyayari and sobrang blessed ako ngayon,” kuwento ng aktor.

Hindi naman itinanggi ni Edgar na malaki ang pagkukulang niya kaya hindi umusad ng husto ang karera niya sa TV5, mas inuna raw kasi niya ang lovelife, “Aminado naman po ako noon, kaya humingi ako ng ikalawang pagkakataon at heto, at nu’ng

Sunday nga po, nag-mass ako at nag-thank you ako kay Lord sa pangalawang pagkakataon na ibinigay sa akin.

“Kasi ‘yung pagbabalik ko, nahirapan din ako, this time, ang ganda, lahat positive so bine-bless niya ako, binibigyan niya ako ng magagandang project para i-prove sa tao na kaya ko,” anang aktor.

Sa pagtatapos ng YFSF ay inamin ni Edgar na may uupuang meeting ang manager niya para sa isang teleserye, patapos na rin kasi ang seryeng Oh My G, “Tapos a movie with Star Cinema and album sa Star Records po,” sabi pa ni Edgar.

At kung sakaling masungkit ni Edgar ang grand prize sa YFSF, “Itatabi ko para pambili ng bahay para sa pamilya, kasi matagal ko ng pangarap ‘yun, hindi natutuloy kasi kulang pa po ‘yung ipon ko. Kaya nga po nagsusumikap ako.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinansin namin ang ngipin ni Edgar kung may plano siyang ipaayos dahil nga hindi magandang tingnan kapag nagsasalita siya, “Uunahin po muna itong face ko, papakinisin, tapos isusunod po itong ngipin ko, ipapa-brace po para mas maganda,” aniya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending