Pagkatapos ng Forevermore: Liza nakabili na ng sariling sasakyan, naipatayo na ang dream house | Bandera

Pagkatapos ng Forevermore: Liza nakabili na ng sariling sasakyan, naipatayo na ang dream house

Reggee Bonoan - June 03, 2015 - 02:00 AM

enrique gil

ALIW na aliw ang entertainment press na dumalo sa presscon ng pelikulang “Just The Way You Are” na first movie project nina Enrique Gil at Liza Soberano sa direksiyon ni Theodore Boborol mula sa Star Cinema.

Napaka-candid kasi ng mga sagot sa tanong ng dalawa, lalo na si Liza. Ilang beses na rin naming na-interview ang dalagita simula noong una siyang ipakilala ng Star Magic at hanggang sa “Just The Way You Are” presscon ay wala pa rin siyang pagbabago, hindi pa rin siya showbiz at sana nga ay mapanatili ito ng bagets.

Kinunan kasi ng reaksiyon si Liza sa mga topless scene ni Enrique sa movie, tulad ng nasa banyo ang aktor at nag-aayos ng sasakyan.

Diretsong sagot ni Liza, “Nu’ng una po naiilang ako, maski itanong ninyo kay direk naiilang ako, ‘yung sa banyo, ‘yung sumigaw akong naka-ganu’n (nakatakip ang mukha pero nakasilip ang isang mata), curious lang po ako.

Nako-conscious po ako kapag nakahubad na siya (sabay tawa).” At inamin din ni Liza na okay ang katawan ni Enrique, “Minsan po, minsan kasi busog siya (malaki ang tiyan).

Ha-hahahaha! Pero ‘yung eksena sa sasakyan ay maganda po talaga ang katawan niya ro’n, kasi hindi talaga siya kumain ng lunch no’n at todo push-up pa po siya bago kinunan ‘yun.”

Nagkatawanan ang press kasi nga halatang bata pa ang sumagot at hindi inisip kung mapapahiya o nasasaktan ang leading man niya. Kaya tama lang din na huwag munang ligawan ni Quen si Liza dahil baka kung mag-away sila ay maidaldal din nito sa mga reporter.

Samantala, nalaman namin sa ibang tao na ang kinita ni Liza sa Forevermore ay napunta sa kanyang dream house, hindi lang namin naitanong kung cash niya itong binili dahil bukod sa serye ay sangkaterba pa ang produktong ineendorso ngayon ng batang aktres.

At balita rin namin ngayong Hunyo ay ide-deliver na ang bago niyang sasakyan para magamit sa mga lakad niya at hindi na siya manghihiram ng van sa manager niya.

Anyway, patungong San Francisco si Liza para sa international screening ng “Just The Way You Are” at pagbalik ng Pilpinas ay aasikasuhin naman niya ang recording para sa unang album niya mula sa Star Records at iba pang TV commercial shoots.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending